I-13 Insights

2.8K 71 12
                                    

Fayelee

Mula noong naatasan ako ng Diyos na pamunuan ang mga Soul Guardians at gabayan sila gamit ang mga pangitain na ipinagkakaloob Niya sa akin, hindi naging madali ang gumawa ng paraan para mapagtagumpayan ang aming misyon. Gayunpaman, masasabi ko naman na kaming apat ay nagtutulong tulong para maisalba ang mga kaluluwa na nangangailangan ng tulong, and with God's grace, nagagawa naman namin ng tama ang misyon.

Akala ko kapag namatay ang isang tao, magiging madali na lang ang pagpunta sa langit basta’t naging mabuti ka sa lupa – pero mali pala ako.

Kahit anong bait ng isang tao hanggang sa mamatay siya, kung hindi siya malinis sa harap ng Panginoon, mananatili siya sa purgatoryo hanggang sa panahon na handa na ito na harapin ang Diyos at isuko ang lahat sa Kaniya. Oo, kailangan nila ng mga panalangin mula sa lupa. Kailangan rin nilang mag-nilay nilay sa mga bagay na nagawa nila habang nabubuhay sa lupa, umamin sa mga kasalanan at tapusin ang misyon habang may oras pa. Kailangan rin nilang maging malinis para sa Diyos upang makasama Siya sa buhay na walang hanggan.

May purpose ang mga kaluluwang humihiwalay sa katawang lupa nila. Hindi sila ganap na multo, ngunit ito ang mga kaluluwa na may gagampanan na misyon sa mundo. Naiisip ko na nga lang na mabait pa rin ang Diyos dahil binibigyan niya ng pagkakataon ang mga kaluluwa na magkaroon ng pangalawang pagkakataon na mabuhay sa lupa basta’t magawa nila ang misyon dahil kung tutuusin, kung nanaisin Niya, kaya naman Niya na kunin ang buhay ng tao ng basta-basta. Pero hindi, because God believes in second chances, and he sees the good in everything he made. 

Iyong ibang mga espirito, gaya ng mga multo, na hindi pa nakakatungtong sa purgatoryo man o sa langit, ay nabibigyan pa rin ng pagkakataon na manatili sa mundo para sa kung ano man na dapat pang tapusin duon bago tuluyang malaman kung para siya sa langit o sa nag-aapoy na lugar sa impyerno.

Mabait pa rin ang Diyos dahil nais niya na ang lahat ng nilikha niya ay makapiling Niya sa langit. Isa lang naman ang gusto Niya, ang isuko ang lahat para sa kaniya. 

“Fayelee”

Narinig ko nanaman ang pamilyar na boses Niya. Wala pang segundo matapos iyon ay maraming pangitain ang isa-isang nagpakita sa isipan ko.

Karahasan, kasakiman, at kung ano-ano pa ang nakita ko. Maraming nawawalan ng pananalig sa Kaniya kaya naman lapitin ang mga tao sa tukso. Ang iba ay tuluyan na nagiging channel ng mga demonyo at na-poposses na nila ang katawan ng mga tao para pahirapan ito lalo. Marami pa ring ligaw na mga espirito, multo man o kaluluwang may mga misyon pa, ang pakalat-kalat sa mundo. Laganap na ang mga demonyo saan mang lupalop ng mundo.

Ngunit merong isang bagay ang tumatak sa isipan ko - may malabong mukha na tila isang mortal na nakikipaglaban sa mga masasamang elemento. Hindi pa malinaw ang ibig sabihin sa akin nito, ngunit sigurado ako na kailangan ko nang pag-isipan kung ano ang hatid na mensahe sa akin ng Maykapal tungkol sa mga pangitain ko.

Sumakit ang ulo ko matapos maipakita sa akin ang mga pangitain na natuklasan ko. Maya-maya ay bumulong ako sa hangin para ipatawag ang iba ko pang mga kasamahan – Ang Soul Guardians.

Kailangan ko na ihatid sa kanila ang mensahe na nakuha ko.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now