I-05 Thea visits Link ; Annoyed Suichiko ; Panda Bear

3.6K 100 9
                                    

Link

Aray!

Naramdaman ko na may malakas na elemento na tumulak sa akin pababa ng kama ko. Masakit, dahil nauna ang ulo ko bago ang katawan ko. Nagising ako dahil sa pangyayari - sino ba ang hindi magigising kung nauntog ang ulo mo sa sahig? Sa ganda kong lalaki magkakabukol ako?

Hindi naman sa pagiging mayabang, pero totoo naman diba? Joke.

Tinignan ko kung sino ang nasa kama ko at walang duda... si Suzy.

Paanong napunta itong multo na 'to sa tabi ko? Katabi ko siya kagabi?

"Suichiko!"

"Hmm"

"Suichiko!"

"Teka, natutulog pa ko"

Tignan mo itong babaeng 'to. Magpapanggap pa na tulog, e halata naman na nagtutulog-tulugan lang siya. Nakikita ko na gumagalaw ang mga mata niya na tila pinipigilan itong imulat.

Pinisil ko ang ilong niya at sinabi "Wag mo na akong lokohin alam ko na gising ka na"

"Araaaaay!" sigaw niya habang inalis ang kamay ko sa pagkapisil sa ilong niya.

"Bakit mo ako tinulak? At saka, bakit ka nasa kama ko?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh, basta nandito lang ako. Saka, hindi ko alam na nahulog ka na sa kama. Aba malay ko ba, tulog kaya ako" paliwanag niya.

Oo nga naman - kung talagang tulog siya.

Tinignan ko ang orasan at napansing alas-nuebe na ng umaga. Narinig kong kumatok si Ate sa pinto. Malamang, papasok na siya sa trabaho.

"Suzy, wag kang magulo"

"As if naman maririnig at makikita niya ko"

"Link, gising na"

"Shhh!" lumingon ako kay Suzy.

"Link, bangon na, kumain ka na ng almusal, nakahanda na sa baba" sigaw ni Ate pagkakatok niya sa pintuan ko.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ang Ate ko na handang-handa na para sa pagpasok.

"Oh ano, baba na, kumain ka na, aalis na ako" sabi niya.

"Ikaw?"

"Nakakain na ako, ang sarap nga magluto ni Thea eh"

Ano? Tama ba ang narinig ko?

"Ate, pakiulit? Thea?"

"Oo, si Thea,bingi ka ba? Hay nako, ang bait ng batang yun, nagdala kasi siya ng pagkain at siya raw ang nagluto. Mag-ayos ka naman, ang aga-aga may bisita ka na"

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumeretcho sa kusina. Nakita ko si Thea na nakangiti sa akin. Ang bilis pala ng tatlong buwan? Nakita kong mas humaba ang kulot niyang buhok, at mukha siyang mas gumanda kesa sa inaasahan ko. Heto, siya at nakangiti sa akin. Nginitian ko rin siya. Nilapitan niya ako at nagulat ako dahil niyakap niya ako.

"Buti naman L, at magaling ka na"

Mas niyakap ko siya ng mahigpit.

"I heard that you're back that's why I paid a visit"

Na-miss ko siya... na-miss ko ang babaeng gusto ko.

Na-miss ko ang best friend ko.

"Na-miss mo ako, nuh" sabi ko sa kaniya.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon