III - 43 Yearning

895 35 12
                                    

Hi guys, walang madadagdag na character okay? haha! As of my last count, hindi sosobra sa 30 ang lumabas na characters sa istorya. Kung curious kayo kung sino si Samantha uhmmm malalaman niyo rin. Context clues everywhere~ Enjoy!


----------------------------xx**

New York, 4:00 AM

----------------------------XX**



Pumasok sa loob ng kwarto ni Yumiko ang kaniyang Mommy na si Clemence. Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na anak at inayos ang kaniyang kumot. Pagkatapos noon ay niyakap at hinalikan niya si Yumi sa noo at umupo sa gilid ng kama.


Alalang-alala pa niya noong unang araw na nakasama niya si Yumiko. Isang bata na may mahabang buhok at magandang mukha, ang bata na pinangarap niya at hiniling sa Diyos na isang batang babae- na sana ay ganun din kaganda ang anak na si Samantha.


Mula doon ay nagbalik sa ala-ala niya ang nakaraan.



"I don't look like you, or dad, or even kuya"

"Can't you just tell me the truth? Anak niyo ba talaga ako?"

"Yumiko, anak kita"

"Anak mo ako, pero hindi ako anak ni Dad? Ano?"

"Anak kita"


"Pero hindi ako kapatid ni Kuya?"

"Anak kita, nanggaling ka sa puso ko kaya anak kita"


It was a hard time for Yumiko noong nalaman niya ang lahat. Nalaman niya na kinupkop lang siya ng kinilala niyang ina. Pero kahit ganoon, kahit hindi siya tunay na anak ay minahal pa rin siya ni Clemence ng gaya ng pagmamahal kay Walter at sa nawawalang anak.


"I love you baby" bulong niya bago umalis sa kwarto ni Yumiko.


Habang si Yumiko naman ay napamulat ng kaniyang mga mata at napaluha bago bumalik sa pagtulog.



--------------------xx**

94 days left.

--------------------xx**



"Busy ang soon to be architect ko ah?"


Napaangat ng ulo si Link noong narinig niya ang kaniyang Ate. Nasa labas siya ng garden ngayon at kanina pa gumagawa ng kaniyang project. Napatigil siya sa pag-gawa noong ibinaba ng kaniyang ate ang meryenda na inihanda para sa kaniya.


"Oo Ate. Ang rami kong plates na kailangan na tapusin. Draft pa nga lang ang nagagawa ko eh. Pero mabilis lang 'to" sabi naman ni Link.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang