II-24 Clairaudience

2.1K 65 17
                                    

Clairaudience - or "clear hearing", is usually defined as the ability to hear the voices or thoughts of spirits. Some mediums hear as though they are listening to a person talking to them on the outside of their head, as though the Spirit is next to or near to the medium, and other mediums hear the voices in their minds as a verbal thought (Special Chapter: Beautiful Disaster 101).

------------xx*♥

"Kuya, sama ako ulit sa school mo!"

Nasa loob ng isang restaurant ngayon sina Walter at Yumiko. Kumakain si Yumiko ng paborito niyang Salisbury Steak habang si Walter naman ay ang inorder niyang Cordon Bleu. Celebration raw kasi ito para sa pagdating ni Yumi galing sa Amerika.

“Sasama ka? Wag na, manggugulo ka lang” ani Walter.

"Namimiss ko na si Link eh" bulong ni Yumi "Sabihin mo nga sa kaniya, magdate kami"

Napailing si Walter sabay sabi "Ikaw puro Link nasa isip mo, mag-aral ka ngang mabuti!"

"Kuya mauunahan kaya kitang gumraduate, belat!" sabi ni Yumi.

"Oo na, mas magaling ka na kesa sa akin" wika ni Walter "Ikaw na ang matalino, maganda, at makulit kong kapatid"

"I know right" natatawang sabi ni Yumi. "Kuya, alam mo ba, ang ganda ng aalagaan ko sa ospital"

"Yun nga lang, naka-comatose kasi siya eh" dagdag pa ng dalaga.

"Talaga? Saang ospital ka ba naka-assign?" tanong ni Walter.

Sumagot si Yumi "Sa St. Louis Hospital"

"Duon?"

"Bakit?"

"Maraming multo dun" nakangising sabi ni Walter.

Napatawa si Yumiko "Hay nako, tinatakot mo lang ako!"

"Ano ka ba, lagi ako napupunta dun" biglang sabi ni Walter.

Napataas ng kilas si Yumi "At bakit naman?"

"Wala"

"Duon ba na-confine si Link nung na-comatose siya sa aksidente?" tanong ng dalaga

"Hindi" sagot ni Walter "Sa St. Luke's naman si L noon"

"Ahhh" bulong ni Yumi "Kung napaaga lang pag-i-intern ko, sana si L na lang inalagaan ko sa ospital"

"Ang kulit mo talaga" napailing si Walter

Nagtantrums naman si Yumi "Eh kasi naman hindi ako nakauwi nung may sakit pa si Link eh!"

"Anong mas gusto mo, naka-coma pa rin si L, o yung buhay na buhay sa harap mo?"

"Siyempre yung buhay na buhay" Yumi sighed.

"Yun naman pala eh" natawa si Walter.

"Pero alam mo Kuya" nagsalita si Yumi sabay subo sa dessert niyang ice cream "Nung nakita ko yung babaeng aalagaan ko"

"Ang gaan ng pakiramdam ko" sabi niya "Saka, mukhang hindi siya nahihirapan. Para lang siyang natutulog"

"Sana nga magising na siya" tumingin si Yumi sa bintana ng restaurant "Para mas mataas ang grade ko, kung nagising siya"

"Hindi ba?" tanong ni Yumi ng nakangiti

"Ewan ko sayo, ang daldal mo, kumain ka na nga!"

"Basta sasama ako ngayon, ha! Tsaka shift ko naman na mamayang gabi kaya pagbigyan mo na ako! Miss ko na mga katropa mo eh. Okay?!"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now