III - 42.1 Time Mark

983 37 11
                                    

"Hi couz"


Isang babae na balinkinitan ang katawan, mayroong mahabang buhok at may hawak na baston bilang suporta sa paglalakad, ang ngayo'y nasa harapan ng katawan ni Suichiko. Lumapit siya para haplusin ang kaniyang buhok.


"It sucks right? To be there, lying on the bed... who can't do anything but sleep... and...hmm... perhaps you can hear me... right?"


Inilapit niya ang kaniyang mga labi sa tenga ni Suichiko.


"Pasensya ka na ha? Kailangan kasi naming 'tong gawin ni Renz... pwede mo pang habaan yung tulog mo... hanggang sa maalala niya ako" bulong niya "O pwede rin naman na... wag ka nang...magising... para maibalik mo lahat ng mga bagay na sakin lang naman talaga"


"Zelle"


Naalarma ang babae sa pagdating ni Renz.


"Renz" sabi niya noong dahan-dahan siyang tumayo ng maayos.


"What are you doing here?" tanong ni Renz "Hindi ba dapat eh nagpapatherapy ka ngayon?"


"Just visiting my cousin" sagot ng babae na ngayo'y may tunog banyaga ang pagsasalita ng Ingles


"Wow Zelle, so you finally recognize her as your cousin" sagot naman ni Renz


"The law states that she's my cousin since last week. She carries our name so what can I do about it" sagot niya "Thanks to you, Renz. She became Suichiko Morales"


"And as per my request, she can't be Suzy Morales because I am Suzelle Morales"


"Suzelle Grace Morales" nilinaw ni Renz


"And I am Suzy" she smiled.


"Sabi na nga ba't ikaw ang dahilan" sabi ni Renz "Alam mo naman na kinilala siya ni Uncle Patrick bilang Suzy, hindi ba? Na, iyon rin naman ang palayaw niya bago ka pa niya makilala"


"Pero ako ang nauna" giit ni Suzelle " AKO naman talaga ang nauna, sa lahat ng bagay, ako ang nauna"


"Chill!" sabi ni Renz


"Hanggang ngayon ba, aawayin mo pa rin siya dahil sa pangalan, ha? Zelle?" natatawang sabi ni Renz "Dala pa rin niya ang kinamumuhiyan niyang pangalan, hindi ka pa rin ba masaya?"


"I guess you should make her a new nickname" sabi naman ni Suzelle "Sue... perhaps?"


"Sue" at muling tumawa si Renz "Thanks for that fantastic suggestion and can you please stop with your British accent, you sound so funny"


Sumagot naman si Suzelle "You know what? You're a long time family friend of ours and  I appreciate all of your efforts for my cousin even though this is a family matter—"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now