Prologue ; Disclaimer & Author's Note

17.2K 215 21
                                    

Kaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan, hinding-hindi ka iiwan. 

Gusto mo ba magkaroon ng isang Guardian?

Si Link, na mas kilala bilang L, ay isa sa maswerte na dalawang nakaligtas sa masalimuot na pangyayari na naganap sa lalawigan ng Quezon. Tatlong buwan siyang walang malay sa ospital at sa pagmulat ng kaniyang mata ay nakilala ang isang hindi maipaliwanag at pambihirang nilalang na lalong nagpabago sa ikot ng kaniyang mundo – si Suichiko Zy.

Nagising sa basement ng ospital si Suichiko Zy, o mas kilala bilang Suzy. Hindi siya nakikita at naririning ng mga tao. Wala siyang mga ala-ala. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang siya kaya naman palaisipan sa kaniya kung isa siyang multo, anghel, zombie, o manananggal at kung ano-ano pa.

Sa paglipas ng araw ay unti-unting naikintal sa isipan niya ang mga nagaganap at nalaman ang tungkol sa mga pambihira at di ordinaryong mga kaluluwa na kagaya niya - Ang Soul Guardians.

Mababago ba ni Suzy ang kaniyang kapalaran at mapagtagumpayan ang kaniyang misyon bilang Guardian ni Link? May laban nga ba siya sa nakatakda?

--------------------------------------------------------------------------------------------

This story is purely fictional. The author didn't plagiarize and copy from other author's work. Any parts of the story which are similar to real life events and other stories are certainly coincidental. The artists  (Bae Suzy, Kim Myung Soo and others) used in the story and the characters they portray in the story do not resemble them in real life. 

Title: Beautiful Disaster : Soul Guardians
Genre: Fantasy / Mystery-Thriller/ Comedy / Romance / Love Story
Author: kishiepanda
Cover: Courtesy of Iamhalle
Teaser: (See Multimedia Section)                                                        
Start: 10.21.13     End:      

This is a Fantasy/Sci-fi/Comedy/Mystery/Thriller Love Story. Ang lahat ng nakasaad dito ay pawang kathang-isip lamang. If you want a "feel good" story to widen your imagination, unleash those innocent "kilig" vibes with a tinge of thrill, then, this story is for you ♥

Comments and Votes are certainly appreciated!

PS. Kung may makikita kayong mga typo error o onting mali sa grammar, pagpasensyahan niyo na. Nagtatype ako ng walang proof read at kapag ganado ako, di ko na masyado nachecheck e, peace! Kapag natapos ko na talaga ang istoryang ito, saka ako magpo-proof read at mag-e-edit. Ayun lang, sana magenjoy kayo sa istoryang ito!

[EDITED: October 1, 2014]

Copyright © 2013 | kishiepanda

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now