I-14 Dreams

2.6K 70 11
                                    

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!”

Binasag ng boses ni Michelle ang kaingayan ng classroom. Napatingin sa kaniya ang lahat ng mga kaklase niya at kasama na duon sina L at Walter. Dahil sa nakakagulat na reaksyon ni Michelle, si Suzy ay tinabihan siya na tila alalang-alala sa kaniya habang hinahaplos ang balikat.

Butil-butil ang pawis ni Michelle habang mabilis ang paghinga. Maraming gumugulo sa isipan niya nagyon. Ano ang nakita niya? Ito ang unang beses na nangyari iyon sa kaniya. Panaginip? Pangitain? Hindi niya alam pero masama ang kutob niya. Alam niya na may mangyayaring masama.

“Michelle?” ani Suzy.

Si Walter naman ay napatayo sa upuan para lapitan si Michelle.

“Ayos ka lang?” tanong ni Walter.

“Mapapahamak tayo, umalis na tayo dito” marahan na sabi ni Michelle.

“Ano?” gulat na tanong ni Walter “Anong ibig mong sabihin?”

“Anong pinagsasabi mo diyan, Ms. Third-eye?”

Kapag minamalas nga naman si Michelle, hindi lang si Walter ang kaklase niya sa kolehiyo na naging kaklase rin niya noong elementarya. Ang nagsalita ay si Gerald, ang isa sa mga nanukso sa kaniya noong bata pa.

“Nababaliw ka nanaman, Haha!”

“Michelle?”

“SINABI NANG MAPAPAHAMAK TAYO KAYA UMALIS NA TAYO DITO!” sigaw ni Michelle.

Link

Nagulat ang lahat sa sigaw ni Michelle. Ilang saglit lang ay napatingin ng seryoso sa akin si Michelle.

“Hindi ba kayo sasama?”

“Michelle” bulong ni Suzy.

“Sige, wag kayong maniwala sa akin. Baliw na kung baliw! Bahala kayo sa mga buhay ninyo” Tumakbo papaalis si Michelle.

"Michelle!" pilit naman hinabol si Michelle ni Walter papalabas ng classroom.

“Baliw! Baliw!” pahabol na sigaw ng mga kaklase namin na sina Gerald at Henry.

“Hindi siya Baliw!”

Sigaw ko dahil naiirita na ako sa panlalait nila kay Michelle.

“Isa pa!” napatigil ako at napatingin ng masama sa dalawa. “Isa pang salita ninyo tungkol kay Michelle, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko”

Biglang tumahimik ang lahat. Inirapan lang ako ng dalawa at bumalik sa kinauupuan nila. Maya-maya ay may lalaking dumating papasok at pumwesto sa teacher's table.

“Good afternoon class. I am Mr. Lucero, ang inyong substitute professor ngayong linggo na ito dahil ang inyong professor, si Ms. Santiago ay naka sick leave”

Hindi siya mukhang propesor, at kung talagang propesor siya, mukhang napakabata pa niya para sa posisyon na ito. Para lang namin siyang kaedad. Napansin ko na nakangising tinignan ako ng bagong propesor. Tinitigan ko rin siya pabalik.

“Sa mahal ng tuition fee ninyo, hindi naman hahayaan ng unibersidad na ito na masayang ang isang linggo na wala kayong natututunan sa Religion”

“Sir, okay lang kahit hindi na kayo nagsubstitute, nakakahiya naman”

“Hahahahaha”

“I know that everyone of you is excited about having a free time, but I won’t let you do that. Since, this will be our first meeting, let’s have a get-to-know-each-other game. But here’s a twist. Instead of saying your name, you’ll tell me more about your fears and then you’ll discuss why”

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Место, где живут истории. Откройте их для себя