III - 47.1 Broken Fire Alarm

1.1K 39 20
                                    

HAPPY ANNIVERSARY BDSG READERS! I LOVE YOU ALL! SORRY FOR THE LATE UPDATE. NALOKA AKO SA 112 NA NOTIFICATIONS AND SA MGA PERSONAL MESSAGES NIYO SA AKIN. THANK YOU THANK YOU THANK YOU!

SHORT PART 1. I'M SORRY. LOVE YOU ALL.

I WON'T GIVE A PARTICULAR DAY TO UPDATE, BUT PLEASE... PLEASE.. BEAR WITH ME.

THANK YOU!

-Kishie

------------------------------XX**

Apat na oras bago maganap ang insidente...

"Bad trip"

Napakunot na lamang ng ulo si Hoya habang ibinaba niya ang kaniyang cellphone sa lamesa. At ang nasa katapat niyang upuan naman ay napasimangot din bigla.

"Ginto na naging bato pa" nakabusangot rin naman na sabi ni Dodong "Hindi pa na-uno, may butal 'pa"

"Uno na dapat, 1.25 pa" sabat ni Hoya

"Bad trip" sabay na reklamo ng magkaibigan.

Parehong wala sa mood ang dalawa nang biglang may dumating sa likuran nila. Masaya pa niyang binati sina Dodong at Hoya.

"HI MGA BRO WHAZZUP---"

"BAD TRIP!"

Nagulat naman ang kakapasok pa lamang sa eksena.

"Guys, chill, ANYARE?!"

"Umupo ka na lang Patola, wag ka nang maingay"

"Unggoy lang ang tumatawag sa akin ng Patola"

"Sino? Yung magandang unggoy?"

"Ako lang pwedeng tumawag ng unggoy kay Yumiko"

"Ah basta manahimik na nga kayo!"

At sabay sabay nilang isinigaw ang:

"BAD TRIP!"

Pinagtinginan silang tatlo ng mga tao sa loob ng cafe. Matapos iyon ay napatawa na lamang si Yeodoric sa mga may sapak niyang kaibigan.

"Ano bang ganap mga bro? Ang ganda kaya ng araw! Pagkatapos nito eh kikitain ko si Yumi, ihahatid ko sa trabaho" sabi ni Yeolo

"Basta, Thesis. Alam mo naman, stress" sagot ni Hoya.

"Bakit, ano bang grade?"

"1.25 lang"

"Gags, 1.75 lang yung amin, wag kayong maarte!" bulalas ni Yeolo "So, congrats pa rin, good job"

Nagsalita naman si Dodong "Fieldwork na lang, matatapos din tong lecheng topic na 'to"

"Ano ba, galit ka ba sa topic o sa thesis?" tanong ni Yeolo

"O sa gumawa ng topic?" tanong ni Hoya

"Pwede sa lahat?" mabilis na sagot ni Dodong.

"Bitter" sabay na sabi ni Yeolo at Hoya.

Bigla namang nagyaya si Hoya kay Yeolo. "Yeol, sama ka sa amin? Sa fieldwork, mga haunted house, lumang building, game?"

"Bakit ako lang~ Isama mo buong tropa" sabi ni Yeolo

"Matik na yun, kasama yun siyempre" sabi ni Hoya

Napangisi si Yeodoric "Ewan ko sa inyo! Nakakatakot naman kasi iyang topic niyo. Multo multo pa, takte" sabi niya "Kayo kaya masapian" bulong niya.

"Anong sabi mo?" tanong ni Dodong

"Wala" sabi ni Yeolo "Basta ba, hindi kayo matatakot eh"

"Sus baka sila ang matakot" mayabang na sabi ni Hoya

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now