III - 46.2 Hypnotize

798 41 5
                                    

Paulit-ulit.


"Ahh!" 

"Okay ka lang?"

"Wag ka nang umiyak" 

"Uy bata, wag ka nang umiyak"

"Wag ka nang matakot, mawawala rin yung dugo"

"Anong pangalan mo?" 

"Ako si Link"

"Link Tuazon" 

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Hmm, Grace —"

"Suzy!" 

"Suzy na lang" 


Paulit-ulit.


"Naiwan mo!" 

"Sayo na!" 

"Bye, Suzy!"


Tunog ng sirena ng ambulansya.

Dugo.

Dalawang stretcher.

Nagdilim ang paligid.

"KASALANAN MO!"


Paulit-ulit.


"Ako si L"

"Ako nga pala si—"


Paulit-ulit.


"Subukan mong alalahanin Link... malay mo... nagkakilala na tayo noon"

"Ano?"

"Naniniwala ka ba sa tadhana?"

"Bakit?"

"Siguro kapag naalala mo na ang lahat... maiisip mo na baka... baka lang... nakatadhana tayo para sa isa't isa at hindi lang nagkataon ang lahat"



Sa huli ay iminulat ni Link ang kaniyang mga mata.

Pawis na pawis si Link.

Paulit-ulit ang mga panaginip ni Link gabi-gabi. Halos manginig ang mga kamay niya habang hinahabol ang hininga. Tumingin siya sa paligid at napansin na wala si Suichiko sa kwarto. Agad na naisip ni Link na nasa guest room si Suichiko kung saan natutulog si Yumiko. 

Mula noong magising ang binata ay hindi na siya nakatulog ng buong magdamag.

Tinignan niya ang kaniyang orasan at nakitang alas tres pa lamang ng madaling araw. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kusina at uminom ng isang baso ng tubig. Napansin niya na may nakalagay na brownies sa loob ng ref kaya kumuha rin siya nito at kumain. Nagtimpla rin siya ng gatas. 

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now