II-33.2 Resort

1.8K 52 14
                                    

December 26, 2013 | 8:00 AM 

"Ano nasaan na ba si Link?"

Nagtipon-tipon na sa sala ng bahay nina Yeolo ang magkakaibigang sina Hoya, Dodong, Jong, Walter, Michelle at Yumiko. Nakaupo sila sa sofa habang kanina pa patingin-tingin si Yumi sa kaniyang cellphone.

"Pupunta pa ba yun?"

Napapadyak naman si Yumiko sa sahig "Hoy Patola sabi mo pupunta si Link!!!" reklamo niya

"Nasabihan ko naman siya eh" malumanay na sagot ni Yeolo.

Biglang bumukas ang pinto. Tila lahat ay nakaabang sa paparating. At noong pumasok na sa loob sina Gabriel at Ellery, tila dismayado ang mukha ni Yeolo at Yumiko.

“Oh anong meron sa mga mukha niyo?” tanong ni Gab. “Hinihintay niyo kami?”

“Duh. Si Link hinihintay ko nuh” sabi naman ni Yumiko.

“Psh. Pupunta ba si Link?” pang-aasar naman ni Gabriel kay Yumi.

“Oy umalis ka nga diyan, paupuin mo si Ellery!” utos ni Gabriel kay Dodong.

“Hoy, kung gusto mong magpa-good shot sa nililigawan mo, magpakabait ka at wag kang mang-bully ng kaibigan” malakas na sabi ni Hoya. Bigla namang napatawa si Ellery.

Bigla namang namula si Gabriel. “Teka paano niyo nalaman na nililigawan ko s—“

“Halata naman, bro” sabi ni Dodong “Oh dahil prinsesa ka ni Gabriel, sige maupo ka na Ellery” dagdag pa nito.

“Salamat” nakangiting sabi ni Ellery kay Dorwin.

“Asan nga pala si Tita?” tanong ni Hoya kay Yeolo.

“Nandun na siya. Nagkaroon kasi ng Christmas Party na Reunion ng mga high school classmates niya kahapon” sagot naman ni Yeolo.

“Patola!” bigla namang hinampas ni Yumiko ang braso ni Yeolo “Bakit kasi wala pa si Link!”

“Tatawagan ko” suhestiyon naman ni Walter.

Bigla namang bumukas ang pinto "Ako ba hinihintay niyo?"

Nagliwanag naman ang mukha ni Yumiko noong nakita si Link. Bigla siyang tumayo sabay takbo at yakap sa binata. “Link! Pumunta ka!”

“Oy, bitaw na” sabi naman ni Link sa kaniya. Napatingin naman si Link sa katabi niyang multo na si Suichiko. Napansin naman ni Walter ang pagtingin ni Link kay Suzy kaya naman napatawa ito.

“Hindi na ko galit sayo Patola. Nandito na si Link, bleeeh” sabi ni Yumi kay Yeolo.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now