I-12 Link's Thoughts ; Betrayed Friend

3K 77 6
                                    

Medyo mahaba ang chapter na ito. Malalaman niyo ang nangyari matapos na nahimatay si Suzy at ang mga tumatakbo sa isip ni Link.Sa bandang huli, malalaman ninyo ang koneksyon ni Michelle kay Walter.

Happy reading!

Sana wag kayong mag-sawa na basahin ito hihi.

Para nga pala kay chingu Iamhalle ang chapter na ito (flying kiss~ :**)

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Kamusta na Jong?"

"Grabe, ayoko na talaga sumakay duon, bumaliktad sikmura ko"

"Mag-bonamin ka kasi bago sumakay sa rides"

"Haha! Natatawa pa rin ako pag naaalala ko na sumisigaw si Jong ng 'mamamatay na ko!' Haha!"

Sumakit ang panga ni Dodong sa kakatawa habang si Jong ay inirapan lamang siya. Si Daga naman ay abalang kinakain ang buto ng pakwan na paborito niya at nakikisalo naman dito si Yeolo. Si Hoya ay abala na nanunuod ng dance tutorials sa Youtube.

"Paano ba tayo nakauwi kagabi?" tanong ni Hoya.

"Hinatid mo kami diba, Walter?"

Tumango si Walter.

"Hindi naman tayo nakainom diba? bakit nagising na lang kami, nasa kwarto na kami?" tanong ni Jong.

"Tulog mantika kayo sa kotse, pagkahatid ko sa inyo, antok na antok kayong pumasok sa mga bahay niyo" paliwanag ni Walter.

"Hindi ko talaga maalala" bulong ni Daga.

Walang maalala ang Repapips sa mga nangyari sa abandonadong building. Iniisip na lang ni Walter na mas maganda na lang rin iyon kesa sa magpaliwanag tungkol sa mga kababalaghan na nangyari.

Malayo ang tingin ni L habang nagkukwentuhan ang mga kaibigan niya. Nakaupo sila ngayon sa cafeteria at kumakain ng tanghalian. Unang araw ngayon ng klase at kakatapos lang rin ng unang dalawang klase niya para sa araw na ito. May tatlo pa siyang dapat pasukan pagkatapos ng break time. Nasulyapan rin niya si Suzy na nakaupo lang sa kabilang lamesa na nakangiti sa kaniya. Si L naman ay hindi siya kinibo na parang may malalim na iniisip.

Si Walter naman ay tahimik lang rin na nakatitig sa kabilang lamesa kung saan naroon ang babae na nakakita sa kanila kagabi - si Michelle. Nasa tapat naman niya ay si Suzy na tila nakikipagkwentuhan sa kaniya.

Kamusta na nga ba si Suzy?

"Hi!" bati ni Suzy kay Michelle.

"Ayokong mapagkamalan na nababaliw" sabi ni Michelle "Layuan mo ako"

"Ikaw naman" nag-pout si Suzy

"Nakakatuwa lang isipin na may isa pang nakakakita sa akin. Sana kasi tao na ulit ako para mas malaya akong gumalaw dito" ani Suzy.

"Mas nakakainggit ka" bulong ni Michelle "Kaya mong gawin ang gusto mo dahil hindi ka nila nakikita. Hindi nila mapapansin kung may mali sayo. Hindi ka nila masasaktan ng basta-basta. At higit sa lahat, hindi ka mapagkakamalan na baliw"

"Ang lalim naman" natawa si Suzy "Gusto rin kitang maging kaibigan tulad ni L at Walter, tutal nakita mo naman kami sa b-"

"Ayoko" mahinang sabi ni Michelle. "Ayokong makipagkaibigan sa inyo"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now