I-15 Spiritual Attachment

2.4K 69 21
  • इन्हें समर्पित: Deisoo
                                    

[Daga; 11.12.13; 6:45 AM]

Link, nawawala si Yeodoric. Kailangan natin siyang hanapin, ASAP.

"Fcuk" Link cursed.

*

*

*

 *

7:00 ang klase ngayon ni Walter at nasa loob na siya ng classroom. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga kaklase niya para sa subject na Philosophy. Naisipan niyang magbuklat ng libro, kahit wala naman siyang interes sa nasabing subject. Inaabot lang siya ng antok sa tuwing sinusubukan niyang magbasa, o mag-aral.

Saktong pagbuklat naman niya ng libro ay may nakasingit na itim na papel sa isang pahina. Out of curiosity, binasa niya ang nakasaad sa liham.

You're next. Watch your back

Kinilabutan siya sa note na iyon pero inisip na lang niya na baka naman may nangti-trip lang sa kaniya o baka pakana ito ng repapips. Isiningit na lang niya ulit ang papel sa libro.

"Walter"

Nilingon niya ang tumawag sa kaniya at nagulat siya dahil nasa likod lang niya si Michelle.

"Oh, bakit ka nandito?" tanong niya "Paano mo nalaman ang klase ko? Tss. Crush mo ko nuh" biro nito.

"Hindi ito ang oras para makipaglokohan" seryosong sabi ni Michelle.

Tumunog ang cellphone ni Walter.

"Wait lang ha"

Binasa niya ang message mula kay Gab.

[Gab; 11.12.13; 6:45 AM]

Walter, nawawala si Yeodoric. Kailangan natin siyang hanapin, ASAP.

Nanlaki ang mga mata ni Walter sa nabasa niya.

"Walter, may kailangan akong sabihin sayo" sabi ni Michelle.

"Ah, wait lang Michelle, may importante akong gagawin, aalis na muna ako" sabi ni Walter bago siya nagsimulang maglakad papaalis.

"Tungkol kay Yeodoric" sigaw ni Michelle.

Napatigil si Walter sa nasabi ni Michelle.

"Kay Yeodoric?"

"Oo. Sumama ka sa akin" sabi ni Michelle bago niya hinila papalabas ng classroom ang binata.

Naglakad sila papalabas ng building at humanap ng pwesto para seryosong makapag-usap. Nakakita sila ng isang bench at napagdesisyunan na umupo duon.

"May nakita ako" sinimulan ni Michelle ang usapan.

"Ano yun?"

"Isiningit ni Yeolo ang isang itim na papel sa libro mo, iyang hawak mo"

Nagulat si Walter sa mga narinig niya mula sa dalaga. Papaano niya nalaman na may itim na papel na nakasingit sa libro nito?

"Paano mo nalaman-"

"Nakita ko rin na pinuntahan ni Yeolo si Link sa kwarto nito, at sinakal"

"Seryoso ka ba, Michelle?"

"Fcuk naman, Walter, sa tingin mo may panahon pa akong magbiro? Buksan mo yang libro mo, alam ko na may nakasingit diyan"

Napabuntong-hininga si Walter at sinabing "Oo. Naniniwala ako. Kakakita ko lang kanina"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें