III- 37.1 And she was found

1.4K 53 10
                                    

January 5, 2014 | 5:00pm

"Time Airways flight 9T570 from Hong Kong is now arriving. Passengers of this flight will disembark through Gate 17"

"Uy Time Airways, Time Airways!!" masayang sabi ng dalaga "Parating na si Ate Rain!"

Sinulyapan lang ni Link si Suzy at napangitu ng bahagya dahil sa reaksyon ng dalaga.

"Wow, ang laki ng naman ng terminal na 'to. Ilang airport ba ang meron dito?"

"Apat. Pero nasa Terminal 3 tayo"

Namangha si Suzy noong nakapasok siya sa loob ng Arrival Area. Si Link ay nakasuot ng Visitor's pass habang si Suzy naman ay malayang nakapasok doon.

"Link ilabas mo na yung banner mo!!!" masayang sabi ni Suzy.

"Hay nako Suzy ang corny ng ganito"

"Matutuwa si Ate Rain niyan!!" pagpilit ng dalaga.

May hawak na illustration board si Link. Gumawa siya ng banner dahil sa pagpupumilit ni Suzy.

Makaraan ang tatlumpung minuto ay nakita na ni Link ang kaniyang kapatid palabas ng arrival area. Batid sa mukha ni Lorain ang tuwa noong nakita niya si Link na may hawak hawak na banner na may nakalagay na "Welcome Back Ate Lorain!"

Kumaway si Lorain habang naglakad naman papalapit si Link.

"Ate!" masayang bati ni Link.

"HELLO ATE NAMISS KITA AS IN SOBRA PRAMIS!!! KAHIT HINDI MO AKO NAKIKITA......" masayang sumingit sa usapan si Suzy kahit na hindi alam ni Lorain ang kaniyang presensya. 

"I miss you baby boy! Ang sweet mo naman" sabi ni Rain sabay yakap ng mahigpit sa kapatid. "Kamusta ka? Okay ka lang ba na magisa sa bahay?"

Sumagot si Link "Hindi na ko baby. Tss"

"Sus" sabay ngisi ni Lorain.

"Ikaw Ate, kamusta? Ang rami mo yatang dalang bagahe" wika ni Link "Para sa akin ba yan lahat?"

"Asa ka pa! Para lang yan sa mga kaibigan mo" pangaasar ni Lorain. Napangisi si Link,

"Joke lang, para ito sa inyong lahat, okay?" nakangiting sabi ng kapatid. "Tara na ba? Taxi lang ba tayo?"

"Dumating na yung dakilang drayber mo mula sa bakasyon" sabi ni Link "Tulungan na kita" 

Kinuha na ni Link ang pushcart at tinulungan ang kaniyang Ate.

"LINK PENGE CHOCOLATE PLEASE!!!!" pagpupumilit ni Suzy habang nakasunod sa kanila. Napatawa na lamang ng bahagya si Link.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora