II-21 Lucky

2.3K 63 38
                                    

"Pag ako nainis sayo, iiwanan kita"

Nanlaki ang mga mata ni Link habang napatingin kay Suzy na naglatag na ng kumot sa sahig. Tinabihan na rin si Suzy ng pusa niyang si Potpot at hinimas niya ang ulo nito.

"Matulog ka na" seyosong sabi ni Suzy habang pahiga na siya. Nasa bandang ulo niya ang alaga niyang pusa.

"Suzy"

Hindi pinansin ni Suzy si Link.

"Suzy..."

Nagulat si Suzy dahil hinila siya paangat ni Link at mabilis na niyakap.

"L-L-L-Link?"

Mas hinigpitan ni Link ang pagkakayakap sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit pero... ayoko ng mawala ka sa tabi ko. Wag mo akong iiwan... please?"

Nanlaki ang mga mata ni Suzy sa narinig niya mula kay Link.

"Link okay na, bitaw na, hindi ako galit"

Hindi pa rin bumitaw si L.

"Link... at nagbibiro lang ako kanina, uy wag kang pra-"

Napatigil siyang magsalita noong hinarap siya ni Link.

"Link?"

Napatigil sa pagsasalita si Suzy noong tinitigan siya ng seryoso ni Link. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't-isa kaya naman tila kinabahan si Suzy dahil dito. Unit-unting lumalapit ang mukha ni Link sa kaniya, ang mga mata niya na nakatitig sa labi ni Suzy...

Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Link.

"Ah, L, yung cellphone mo!" sigaw ni Suzy sabay tulak ng bahagya kay L upang makalayo.

Link sighed.

Kinuha ni Link ang cellphone niya sa kaniyang bag at binasa ang mensahe sa kaniya.

[Walter ; 12.09.13 ; 9:00 PM]

Bro, may importante akong sasabihin bukas. Pasensya na rin kanina. Walang ibig sabihin yung sa amin ni Suzy.

Napabuntong hininga ulit si Link. Maya-maya ay lumapit muli si Suzy kay Link at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga kamay. "Ang cute cute mo talaga" sabi niya

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon