II- 36.2.1 Polaroid ; Heartbroken

1.3K 50 15
                                    

Umpisa na ng hulaan at hanapan. Sino ang kapatid ni Suzy? Sino pa yung ibang related? Sino yun, sino yan, bakit nga ba.... ah basta hahaha OMG Excited na ko sa Part 3 pero super busy ako nakakaiyak huhuhu T______T Anyway, salamat sa continuous support at pagbabasa. Baka boring na huhu sorry :/

Fast forward tayo ng ilang araw. Mababasa niyo rin naman yung part na cliffhanger sa last chap e hehe wag malilito! Medyo filler chap nga ito pero ahaha pagtiyagaan muna ito lang ang nakayanan. Hehe.

Ito ang 36.2.1 at sa next chap 36.2.2 na hahahaha then Part 3 na. Sorry ito lang ang kayang maupdate nakamobile lang ako haha :))

----------------xx*♥

"Hi Princess"

Nakangiti si Renz habang hawak ang kamay ni Suzy. Nakahiga ito sa hospital bed habang may mga nakakabit na aparato sa katawan. Iniyuko niya ang kaniyang ulo sabay huminga ng malalim. Maya-maya ay may iniabot siya sa gilid ng lamesa at wari'y ipinapakita sa walang malay na dalaga.

"Look what I have here" sabi niya "Your favorite"

Hinawakan ng mabuti ni Renz ang bagay na kinuha niya "Excited na akong magamit 'to ulit kasama ka... to make memories with you.."

Hawak rin niya ang ilang litrato sa kaniyang kamay. "I remembered how you loved to smile while taking pictures thru this polaroid"

"Kailan ka ba magigising?"

"Miss na kita. Bisperas na ng bagong taon pero hindi ka pa rin nagigising. Limang buwan na ang tulog mo...please magising ka na... please"

.

.

.

.

December 31, 2013 | 6:00pm

"Wow cool"

Napatingin si Link sa hawak ni Suzy. Nasa kwarto sila ngayon at nakaupo si Suzy sa sahig habang may hinahalungkat sa drawer ni Link.

"Polaroid Camera" sagot ni Link noong itinuon muli ang atensyon sa salamin habang nagaayos ng kaniyang polo shirt.

"Wow"

At pinindot ni Suzy ang camera dahilan para makuhanan ng litrato si Link na nagsasalamin. Nagulat rin siya noong may lumabas na film sa camera.

"Wow magic"

Natawa naman si Link sa nasabi ni Suzy "Hindi yan magic, ganyan talaga pag polaroid. Haha"

"Talaga? Di tulad ng digi cam?"

"Oo naman. Yung digital camera may memory card, pwede kang magerase o magedit. Itong polaroid, kada pindot isang film. Kailangan walang masayang"

"Link akin na lang 'to!!" sigaw ni Suzy habang yakap ang camera "Please? Para kasing maganda eh... parang pamilyar"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now