II-30 Search

1.7K 62 29
                                    

"Saan kaya pumunta sina Link?"

Nasa labas na ng gate ang buong tropa. Papaalis na rin kasi sila at lumalalim na rin ang gabi. Hinintay nila sina Link na dumating pero ang tagal nila kaya napagdesisyunan na nilang mauna ng umuwi. 

"Nako, pasensya na ha, tinatawagan ko si Link pero hindi sumasagot eh" sabi ni Lorain "Pero salamat sa pagpunta ha, nako pasensya na talaga ha, papagalitan ko yung si Link pagkauwi"

"Nako okay lang Ate!" sabi ni Gabriel "Pasalubong ha Ate"

"Oo nga Ate!" sumangayon sina Hoya, Jong at Dodong

Bigla namang nagsalita si Walter "Hindi na kelangan, Gab. Mukha ka namang Mickey Mouse" at nagsitawanan ang lahat 

"Sama mo pre ha, bully ka, may araw ka rin sa akin" singhal ni Gabriel.

Tumawa naman si Lorain "Oo, lahat kayo pasasalubungan ko"

"Ayos!" Nag-apir ang mga repapips at natawa na lamang sina Yumiko, Ellery at Michelle.

Hinarap naman ni Lorain si Walter "Walter, baka kasi maiwan na magisa si Link sa pasko, sana naman patuluyin niyo siya ha kasi nagaalala ako na baka m--"

"Walang problema Ate! Welcome na welcome pa rin si Link sa bahay! Pramis!" pinutol naman ni Yumiko ang pagsasalita ni Lorain. Tila masayang masaya pa nga siya sa mga sinabi ni Lorain.

"Baka ma-rape mo pa si Link" kumento naman ng kapatid kay Yumiko.

"Sama mo kuya!" nakakunot noo na sabi ni Yumi.

"Ikaw naman kung makapagbiro kay Yumi" sabi ni Lorain habang nakaakbay sa dalaga "Pakialagaan ang kapatid ko ha" sabi pa niya.

"Awwwh! Love mo talaga ako Ate nuh!" niyakap ni Yumi si Lorain.

"Sige po, mauna na po kami" sabi naman ni Michelle na nasa likod.

"Nice meeting you, Michelle, Ellery" masayang sabi ni Lorain "Sana mapadaan kayo ulit sa bahay. Boys, pakihatid sila ah"

"Naman Ate" mayabang na sabi ni Gabriel "Ako body guard nila"

"Ay ang yabang talaga" kumento nina Hoya at Dodong.

Binigyan na lang ni Gabriel ng evil glare ang dalawa.

"Sige bye!" kumaway si Lorain. "Ingat kayo!"

"Bye Ate!" sabi ng grupo at naglakad na sila papaalis.

"Hay nasaan na kaya yung batang yun? Pasaway naman" bulong ni Lorain habang pinagmasdan ang mga bata na unti-unti ng nakalayo mula sa bahay. Napailing na lamang siya na pumasok sa bahay.

Habang naglalakad naman ang magkakaibigan ay tinawag ni Michelle si Walter. 

 "Walter"

"Bakit?" sabi ni Walter noong liningon niya si Michelle.

Seryoso siyang tinignan ni Micchelle "May iba akong pakiramdam. Pakikamusta si Link. Parang may nangyayari eh"

"Sige gagawin ko. Hatid na kita?" biglang tanong ni Walter.

"Hindi na! Sabay na kami ni Ellery" Sabi naman ni Michelle sabay hatak kay Ellery sa tabi niya.

"Oo nga, hatid mo na lang si Yumiko" suhestiyon ni Ellery.

"Pero--"

"Ako na bahala sa kanila, Walter" singit naman ni Gabriel noong nakisali siya sa usapan

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now