II-31 Rain

1.9K 60 17
                                    

Hello! Happy 10.2+k sa Beautiful Disaster huhuhu :"> ♥ Thank you sa growing number of reads pero mas masaya ako kung magcocomment kayo hihi anyway, silent or active reader ka man, mahal kita! At siyempre, Suzy and Link love you all too! Woohoo~ Enjoy the chapter miloooves :D Sana, hindi kayo mabored T____T

-------------------------------xx*♥

Abala ngayon sa loob ng ICU ang mga nurse at ang doktor para asikasuhin ang kalagayan ni Suichiko. Naroon si Yumiko sa loob habang nagaalala naman na nasa labas si Walter at nakadungaw lamang sa bintana. Noong nakita niya ang kalagayan ng katawan ni Suzy, halos hindi siya nakagalaw dahil sa kaba. Umangat kasi ng bahagya ang dibdib at kalahati ng katawan ni Suzy na tila kinakapos ng hininga kasabay ng maingay na tunog mula sa mga aparatong nakadikit sa katawan nito. 

Paikot-ikot na naglalakad si Walter habang naghihintay. Maya-maya lang ay biglang humawak sa balikat niya na nakapagpagulat sa kaniya. 

 "Hero" napabuntong hininga si Walter "Ikaw pala yan"

"Walter" banggit ni Hero "Kamusta siya?" sabay dungaw sa bintana ng ICU.

Sa halip na sumagot si Walter ay nagtanong pa siya kay Hero "Hero, anong nangyayari kay Suzy?" 

"Dito ka lang, babalik ako"

Lumabas na ang mga nurse at ang doktor ni Suzy kasama na rin si Yumiko. Habang si Hero naman ay pumasok na sa loob ng ICU para tignan ang kalagayan ni Suzy.

Una ay hinawakan niya ang kaniyang braso pagkatapos ay pinulsuhan ito. Nakahinga siya ng maluwag noong naramdaman niyang maayos na ang lagay ni Suzy. Ngunit para mas makatiyak, binulong niya sa hangin ang pangalan ni Hanna.

"Hanna"

Wala pang ilang minuto ay nasa tabi na ni Hero si Hanna.

"Hero, napatawag ka" sambit niya.

"Kakaalis lang ng mga doktor. Pakitignan nga ang kalagayan niya" sabi ni Hero "Mukhang may nangyari eh.. batid ko sa mukha ni Walter ang pag-aalala"

Kaagad namang hinawakan ni Hanna ang kamay ni Suichiko at napapikit. Maya-maya lang ay hinarap niya si Hero na may pangangamba sa kaniyang mga mata.

"Ang puso niya.."

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Hero

"Kanina, parang humina ang puso niya" paliwanag ni Hanna.

Napakunot ng noo si Hero "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko mapaliwanag pero sadyang humina lang talaga yung tibok ng puso niya. Kung ano man ang dahilan, hindi makakabuti ang ganitong kalagayan para kay Suichiko" dagdag pa niya.

"Pero okay naman na ba siya?"

"Oo, umayos naman na ang kalagayan niya. Nasaan na ba si Suichiko? Baka kung napaano na siya" sabi ni Hanna

"Aalamin ko pa. Salamat Hanna" wika naman ni Hero.

"Walang anuman, kailangan ko na ring umalis" sabi ni Hanna bago siya nawala sa tabi ni Hero.

Agad naman na lumabas si Hero at nakita si Walter na naghihintay na nakaupo sa isang bench sa tabi ng ICU. 

"Walter" wika ni Hero "May balita ka na ba kila Suzy at Link?" 

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang