III - 49 Suspension

148 12 12
                                    

Mabilis na kumalat ang litrato ng pagaaway nina Link, Yeolo at Walter. Pinatawag din silang lahat sa opisina ng University Director para kausapin sila tungkol sa nangyari.

Link Tuazon, I am so disappointed"

"This might cost you your scholarship"

"Then take it away"

"Kung sa tingin niyo na iyong simpleng away ng magkakaibigan eh makakasira sa reputasyon ng unibersidad na 'to, at kailangan niyo tanggalin ang scholarship ko, okay lang"

"Link!"

"Ma'am, I am sorry. I will make sure na hindi na 'to mangyayari kay Link, at sa mga kaibigan niya. Please give my brother another chance"

"Okay, another chance"

"But of course, your actions have consequences. The three of you will do community service"

Napangisi si Link "We just have to take turns right? Doesn't have to be together-" 

"No,  Mr. Tuazon. Together"

"Pero-"

"10 hours community service or 5 days suspension?" ika ng Director.

"Community Service" sagot ni Walter

"Suspend niyo na lang ako" ika ni Link

"Link!"

"Ako yung nagsimula ng away. At isa pa, kung makakasama ko sila, baka makasama pa sa pagkakaibigan namin"

"Mr. Tuazon"

"If you think this community service will help us reconcile, no. Yung pagkakaayos namin, samin na yun. Ito kailangan ko tong parusa na to. I-suspend niyo na lang ako"

"No" sabat ng Director "10 hours community service... together. And that is final." 

"Ge" malamig na sabi ni Link sabay dabog at pagbalibag sa kaniyang upuan.

Napailing ang Director "Mr. Tuazon"

"Oh" masama ang tingin ni Link sa Director.

"You know what, a week suspension might cool down your nasty behavior. Para magtanda ka."

"That's exactly what I wanted" Napangisi si Link. 

Tumayo siya at nag-walk out.

===============================================

"Link, ano bang nangyayari sayo?"

Sinundan ni Lorain si Link habang papaalis ng opisina.

"Ate, ibigay mo na sa akin to" giit ni Link.

Hinawakan ni Lorain ang braso ni Link. Napatigil sila sa paglalakad. "Exams mo na in two weeks! Tapos isang linggo kang suspended?"

"Edi maganda"

"What?"

"Makakareview ako. Makakapahinga ako. Makakawala ako sa toxic na mundo"

"Link, hindi ka naman ganiyan dati" naluluhang sabi ni Lorain "Ano ba kasing problema? Nandito naman ako oh"

Napayuko si Link. "I'm sorry, Ate Rain" sabi niya.

"Ibigay mo na sa akin 'tong oras na 'to." pakiusap ni Link. "Babalik din ako sa dati. Magkakabati rin naman siguro kami. Pero kailangan ko lang talagang mapag-isa"

"Kailangan kong mag-isa" bulong pa niya.

Lorain let out a heavy sigh. "Link, are you alright?"

"Hindi" mabilis na sagot ni Link.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 30, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Onde histórias criam vida. Descubra agora