II- 36.1 Concern

1.4K 53 18
                                    

Short update kasi, busy. Enjoy!

--------------------xx*♥

"Link kailangan kita ngayon, I'm sorry"

Napatigil si Link noong tuluyan ng umiyak ang kaniyang matalik na kaibigan. Si Suzy naman ay nagulat sa reaksyon ng dalaga. Iniangat naman ni Link ang kaniyang kamay na tila gustong hawakan ang balikat ni Thea para damayan siya. Ngunit bago niya pa magawa iyon ay agad siyang hinarap ni Thea at niyakap siya. Ang kaniyang mukha na nakabaon sa dibdib nito habang si Link ay hinaplos ang likod ng dalaga para patahanin siya.

"Kailangan kita. Wala na akong mapupuntahan. Link, I need you" bulong ni Thea.

"Teka, teka. Sige pumasok muna tayo sa loob" sabi ni Link noong kumawala siya sa yakap.

"Okay ka lang ba? Ba't ka umiiyak?" sabat ni Suzy na ani mo'y naririnig siya ng dalaga.

At pumasok na sila sa loob ng bahay.

--------------------xx*♥

"Uminom ka muna ng tubig"

Tinanggap ni Thea ang baso ng tubig na iniabot ni Link. Nasa kusina sila ngayon at nakaupo sila sa mini bar nina Link. Si Suzy naman ay nasa tabi lamang ni Link at nakatayo.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Link.

Hindi sumagot ni Thea. Ngunit halata sa kaniya na nagpipigil siya ng pagiyak. Link sighed.

"Teka nga tumahan ka nga muna, ano bang nangyayari sayo?"

Pinunasan ni Link ang luha ni Thea. Si Thea naman ay nagsalita na. "Ang sakit, Link"

"Si Xian na naman ba?" naaasar na tanong ni Link. Si Thea naman ay bahagyang napatawa.

“Favorite line mo yan” sabi ni Thea “Lagi na lang bang si Xian?”

“Bakit, hindi ba si Xian?”

"Hindi"

“Eh ano nga?”

Napabuntong hininga si Thea "I mean, okay fine, partly si Xian, pero may mas mabigat pa akong problema" sabi niya.

“Makikinig ako” sabi ni Link.

"Link nagsinungaling sila sa akin"

"Nagsinungaling? Sino?"

"Nagsinungaling sila sa akin... hindi.. hindi nila..." napatigil sa pagsasalita si Thea.

Napahaplos si Thea sa sintido niya at sinabi "Hindi nila ako tunay na anak. Inampon lang nila ako. Ang sakit Link"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now