III - 45.1 Identity: Childhood

919 39 16
                                    

Kailangan ko ulit hatiin ang chapter na ito. Hindi ko naman matiis na hindi i-update itong story eh hehehe so ayun pasensya na kung nahati ulit ang chap. saranghae!


——————————————————-xx**


|Link|


Tumingin ako sa paligid. Maraming mga puno at pinapaligiran ako ng mga bulaklak. Parang natatandaan ko pa ang lugar na 'to. Dito ako madalas mag-laro noong bata pa ako.


Pagkakita ko sa isang bus na dumaan, nakita ko ang signage na "Quezon". Ngayon ay natitiyak ko nang nasa Quezon nga ako.


Nakita ko ang sarili ko noong 5 years old pa ako. Suot ko ang paborito kong blue na t-shirt, nakatali sa leeg ko ang isang puting panyo na at may name tag pa ako na suot. Alam ko ay pumunta kami sa isang lugar dahil sa Children's Party na inihanda ng Mama at Papa ko, isang charity event.


Mahiyain ako at madalas na maglaro ng mag-isa. Kasama ko lang lagi sa pag-lalaro ay ang paborito kong laruan na kotse na may nakalagay pa na pangalan ko sa gilid nito.


Busy ako na mag-laro hanggang sa may bola na tumama sa tagiliran ko. Kinuha ko ito. Sa di kalayuan naman ay may bata na tumatakbo papalapit sa akin, ngunit siya ay napadapa.


"Ahh!" mahinhin niyang aray.


Linapitan ko siya at tinanong "Okay ka lang?"


Sinuri ko ang damit niya. Simple lang ang damit niya. Napaisip tuloy ako Isa kaya siya sa mga bata sa charity event?


Tinignan niya muna ang kaniyang tuhod na ngayon ay nasugatan. Kagat-kagat niya ang labi niya habang kitang-kita sa mata niya na naluluha na siya.


"Wag ka nang umiyak" sabi ko.


Ngunit lalo siyang umiyak.


"Uy bata, wag ka nang umiyak"


Tinanggal ko ang puting panyo na nasa leeg ko at ipinantakip sa sugat niya.


"Wag ka nang matakot, mawawala rin yung dugo"


Bigla siyang tumahan at napatitig sa akin. Kasunod noon ay napangiti siya sa akin.


"Anong pangalan mo?" tanong ng batang babae.


"Ako si Link"


Kinuha niya ang name tag ko at binasa ang pangalan ko.


"Link Tuazon" sabi niya.


"Ikaw" sabi ko naman "Anong pangalan mo?"


Bigla siyang nagulat at tinakpan ang malaking name tag na suot niya. Pero nabasa ko pa rin ang pangalan niya.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now