II-19 Lights

2.6K 73 16
                                    

Here's Chapter 19 :) Intro muna, pero medyo mahaba. Disyembere pa lang sa istorya na ito haha! Hahabol ako pramis! Magpapasko at New Year muna sa susunod na chaps then January na. Kailangan makahabol ako kasi baka Valentines na eh New Year pa lang sa akin haha! Peace! Well anyway, I hope you like this! :D Saranghae~ Don't forget to comment and vote! Those will be loved and appreciated! :3 - 01/18/14

------------------xx**♥

Chapter 19 Lights

December 2, 2013

Link

Iba na ang pagtingin ko sa mundo mula noong nagising ako matapos ang tatlong buwan dahil sa isang aksidente. Dati ako lang si Link Tuazon na mas kilala bilang L, isang gwapo (hindi naman sa pagmamayabang), normal na estudyante, band guitarist at dean's lister na laging kasama ang tropa kong Repapips at ang best friend na si Thea.

Pero nagbago ang lahat mula ng makilala ko si Suichiko, ang pinakamakulit, masayahin, pambihira at hindi pangkaraniwang nilalang na noon ay inakalang isa siyang multo, zombie, at manananggal, na sa huli ay Guardian ko pala.

Maraming nangyari sa loob ng higit isang buwan na nakasama ko siya. Buwan ng Nobyembre ang pinakamagulong buwan para sa akin. Iba't-ibang elemento ang mga nakita ko, iba't-ibang hindi ordinarying nilalang ang nakilala ko. Hindi lang basta-basta multo, mas malala pa, mga demonyo. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganitong bagay noon. Akala ko, biro lang ni Walter yung pananakot niya sa tuwing sinasabi niya na may white lady o multo sa paligid.

Pero totoo pala ang lahat ng iyon.

At ang malaman ang mga bagay na lingid sa kaalaman ng ordinaryong tao? Nakakabaliw.

Mula noon, hindi na natapos ang kaba ko dahil sa mga kababalaghan na nangyayari sa amin. Lalo na noong nadamay ang mga mahal ko sa buhay. Ilang beses na akong niligtas ni Suzy mula sa kamatayan, at noong nagkaroon ng pagkakataon na ako naman ang nagligtas ng buhay, ni mismo ako ay hindi makapaniwala na magagawa ko iyon. Iniligtas ko si Yeodoric mula sa itim na anino o kaluluwa na umaaligid sa kaniya, at ang lakas ko noong mga panahong iyon eh hindi ko alam kung saan ko nakuha.

Alalang-alala ko pa...ang lakas ng kabog ng puso ko noong nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa sahig.  

Aaminin kong natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na ako makabalik sa katawan ko noong mga panahon na iyon. Iniisip ko pa lang na nahihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko, para akong nanunuod ng pelikula na fiction, para akong nananaginip.

Ngunit hindi pa duon natapos ang mga nakakagulat na mga pangyayari. Nakapunta na ang kaluluwa ko sa purgatoryo, nakilala ang mga Soul Guardians, at binigyan ng isang tungkulin na hindi ko alam kung paano ko makakayanang gampanan. Ngunit kahit wala na akong tiwala sa sarili ko, may pananalig silang magagawa ko ito. Kaya tinanggap ko ang trabaho na iyon, kahit hamak na mortal lang ako.

Isa na akong Soul Hunter, at alam kong hindi na magiging normal ang buhay ko.

"Link!"

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway noong tinawag ang pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko si Thea na nakangiti sa akin. Nginitian ko siya.

"Hoy, Link" sabi niya habang naglakad papalapit sa akin.

"Ang daya mo ah. Hindi ka na nagpaparamdam sa akin"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now