III - 40.1 Snapshots

1.6K 48 17
                                    

Chapter 40, part 1. 

Okay na rin 'to kesa walang update XD Di ko sure kung mabibitin kayo, pero enjoy! Nagkakaroon na nga ng guessing spree ang istorya na 'to. Sino yung totoong kapatid ni Suzy, sino ang tagapagmana ni Lucy, sino yung nakadungaw sa taas ng building at marami pang iba na hopefully ay masasagot sa mga susunod na chapters. Hehe, salamat sa suporta! Sana wag maumay! Lovelots! ♥

hashtag, walang proofread. Ipagpatawad! 

------------------------------------------------------------xx*♥

Makaraan ang ilang araw ay naging normal naman ang lahat sa pagitan nina Suichiko at Link. Pumapasok siya sa unibersidad araw-araw at dahil sa abala ang kapatid niyang si Lorain sa trabaho, minsan lang silang mag-usap ng kaniyang Ate. 

May mga gabi na magkasama sina Suichiko at Link sa paghahanap ng mga naliligaw na kaluluwa. Maswerte rin siguro dahil hindi naman sila nakakaenkwentro ng mga mahirap pakisamahan na mga kaluluwa at agad rin naman silang sinusundo ni Yosh sa dapat nilang paroonan.

At walang isang araw na hindi nagparamdam o nagpakita si Link ng pagmamahal sa dalagang multo. At ito rin ang mga araw na labis na naguguluhan ang puso ni Suichiko. Gayunpaman, hindi naman maitatanggi ni Suzy ang saya na nararamdaman niya tuwing pinapangiti siya ni Link kahit na naglalaban man ang mga salitang "hindi pwede", "paano kapag...", "tama ba 'to?", "pero", at "bahala na". 

"Link, pag ba naliligo ka, hinuhubad mo 'yang bracelet?"

Sa ngayon ay kakalabas lang ni Link galing sa banyo na bagong ligo at nakabihis na para pumasok sa unibersidad. Nakaupo naman si Suzy habang hawak-hawak ang kaniyang polaroid camera. Bahagyang napangiti naman si Link sabay hawi ng kaniyang buhok na nakaharang sa kaniyang pisngi.

"Wow ha, curious ka na sa pagligo ko?" mayabang na sabi ni Link.

Umiling si Suzy. "Hindi naman. Wala rin akong pake kung di ka naliligo araw-araw"

(At dahil sa eksenang pagligo ni L, biglang natawa ang writer ng istorya na ito habang nag-tatype. Kidding. #InspiritsCanRelate)

"Baliw! Naliligo ako nuh! Pero eto?" biglang napatingin si Link sa kaniyang kanang braso "Hindi ko hinuhubad. Bigay mo sa'kin 'to eh" pagtukoy niya sa bracelet niya.

"Seryoso ka ba? Edi basa yang bracelet, baka masira" paalala naman ni Suzy.

"Hindi kaya, ang tibay nga eh. Isipin mo na ang na tanda 'to ng pagmamahal ko sayo kaya siyempre hindi ko 'to aalisin kahit kailan" sabi ni Link. At napansin naman ni Suzy ang pamumula sa mukha ni Link matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Corny mo" sabi naman ni Suzy.

"Pramis! Peksman!" sigaw naman ni Link habang nakataas ang kaniyang kanang kamay.

At nabigla naman si Link noong kinuhanan siya ng litrato ni Suzy noong sandali rin na iyon gamit ang kaniyang polaroid.

"Oh, ba't mo ako piniktyuran?" tanong ni Link noong lumapit siya sa dalaga.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now