I-17 Astral Projection

2.1K 65 23
                                    

[Salamat sa pakikisama sa mga kalokohan ng utak ko. Hihihi di ko alam kung maganda o corny ang patutunguhan ng istorya na 'to pero nagpapasalamat ako sa pagsuporta ninyo hahaha ♥ Promise! Swear! Saranghaeyo guys~ Enjoy reading!]

Link

Kakaibang pagod ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ko. Bigla ko na lang nasakal ang anino at bigla na rin akong may hawak na malaki ngunit magaang espada.

Ano ang nangyari? Noong sinaksak ko ang anino, bigla na lamang itong nawala kasabay ng espada.

"Link" narinig kong nagsalita si Michelle.

Napatingin ako sa kaniya.

"Link..." bulong ni Walter na ngayon ay kalapit ang katawan ni Yeolo sa sahig.

Mukha silang gulat at hindi makapaniwala.

"Paanong-" bulong ni Suzy

Ano bang nangyayari?

"Ang kaluluwa mo, L"

Nakita ko na tumakbo si Suzy sa likod ko.

Nagulat ako sa reaksyon nilang tatlo.

Napatingin ako sa likod ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Link, Link!" sigaw ni Suzy.

Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa sahig.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Nakikita ko na alalang-alala na ginigising ni Suzy ang katawan ko. Si Walter naman ay sinusubukan rin na gisingin ang walang malay na si Yeolo. Maya-maya ay nilapitan ako ni Michelle at nagsalita.

"Link, kaya mo bang bumalik sa katawan mo?"

"Hindi ko alam" bulong ko "Patay na ba ako?"

"Hindi pa" sabat ni Suzy "Humihinga pa ang katawan mo"

Nakita ko na may isang mahabang tali na nakakabit sa katawan ko at sa kaluluwa ko. Maningning ito at napaisip ako kung bakit ako may ganoong koneksyon sa katawan ko.

"Napag-aralan ko ito" bulong ni Michelle na kanina pa kagat-kagat ang labi habang nag-iisip.

"Isa yang, silver cord, ang nakakabit sa katawan mo at kaluluwa mo" sabi niya.


Silver cord?

"Saka na natin pag-usapan ito, kailangan mo munang makabalik sa katawan mo" dagdag pa niya.

"Subukan mong bumalik"

"Ano?"

"Sa katawan mo" pilit niya.

"Pero paano?"

"Basta't gawin mo!"

Napabuntong-hininga si Michelle bago sumagot "Mag-concentrate ka. Mag-relax ka"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang