II- 36.2.2 New Year

1.2K 56 12
                                    

"Oy ilang oras na lang magkacountdown na tayo!"

Alas-dyis y media na ng gabi at lumabas na sina Dodong, Hoya, Jong Jong at Walter sa may garden nina Link para ihanda ang mga fireworks na papaputukin nila pagsapit ng alas-dose ng gabi. Si Walter ay nagluluto ng barbeque at tinutulungan ni Jong habang sina Hoya at Dodong ay kanina pa naghahabulan para sa isang water gun fight na parang mga batang paslit.

"Teka ba't wala sina Yeolo at Link? Pati ang kapatid mo Walter?" tanong ni Dodong

"Baka may ginawa lang" tamad sagot ni Walter.

Bigla namang may nagdoorbell dahilan para umalis si Jong sa tabi ni Walter at buksan ang gate.

"Andito si Thea!" masayang sabi ni Jong.

Lumapit sina Jong at Thea sa mga magkakaibigan.

"Kamusta? May dala akong Leche Flan, gawa ni... Mommy"

"Wow tara tara kainin na natin!" nagagawan na sina Hoya, Dodong at Jong sa dalang leche flan ni Thea dahilan para maiwan silang dalawa ni Walter.

"Okay na kayo ng parents mo?"

Tumango si Thea "Kakauwi ko lang nung isang araw after ako kausapin ng mabuti ni Link. And I realized that.... they gave everything to me kahit na hindi ako yung tunay nilang anak. Tama nga si Link... Tama nga ang best friend ko"

"Buti naman at nagkalinawan na kayo ng mga magulang mo"

Thea half smiled.

"Nasaan nga ba si Link?" tanong ng dalaga

"Siguro nasa taas" sabi ni Walter.

"Hmmmm" inamoy ni Thea ang barbecue "Mukhang masarap ang iniihaw mo ah"

"At dahil okay ka na at masaya ka na ulit, heto ang isang stick para sayo" iniabot ni Walter ang barbecue na naluto na.

"Thanks" masayang sabi ni Thea "Alam mo ang swerte ni Yumi sayo. I wish to have a brother like you. Ang galing mo pa magluto"

"Ahhhh" napangiti naman si Walter "Nambola ka pa"

"And by the way, nakita ko si Yeolo and Yumi sa may park on my way going here" sabi ni Thea "Anong ginagawa nila doon?"

"Oo nga nuh" sambit ng binata "Baka may binili lang tapos tumambay. Alam mo naman si Yeolo, mahilig bumuntot sa kapatid ko"

"Ahh okay" napatingin si Thea sa relo niya "Anyway, kailangan ko ng umuwi. Pakisabi na lang kay Link na dumaan ako. Hinihintay na ako nina Mommy. Thanks sa barbecue, penge pa ng isa hehe"

Napangiti na lamang si Walter kay Thea.

------------------xx***

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon