I-03 The Deal

4.3K 103 10
                                    

Link

Kalantog ng plato at ang tunog ng sapatos na nagpagising sa akin. Nakita ko na nagbabalat ng peras at mansanas ang Ate Lorain ko. Umupo siya sa tabi ko at ng mapansin na gising na ako ay ngumiti sa akin.

"Kamusta na, baby boy"

Hay. Kahit anong laki at edad ko na, ako pa rin ang baby boy niya.

"Yuck. Wag mo akong tawagin na baby boy" sabi ko sa kanya.

"Ang arte mo! Ikaw na nga inaalagaan e. Minsan lang maglambing Ate mo tapos..."

"Wusus. Magtatampo ka nanaman"

Napansin ko na humaba ang buhok ng ate ko, dati hanggang gilid ng kaniyang balikat ang haba, ngayon naman ay lampas na. Napansin ko rin na pumayat siya at mas napapansin na ang eye bags sa ilalim ng mga mata. Mukha siyang stressed out. Kawawa naman ang Ate ko.

"Mukhang pagod ka, magpahinga ka naman" sabi ko sa kaniya.

"Ayos lang, okay lang ako"

Mula kasi ng mamatay ang mga magulang ko, siya na ang naging nanay sa akin. Oo, inaalagaan naman kami ng mabuti ng Tito at Tita namin, pero para sa akin ang mas nagsakripisyo at nagtrabaho para sa akin e ang Ate ko.

"Gusto mo ng Apple?" tanong niya.

Tumango ako.

"Edi magbalat ka ng mansanas mo, anong akala mo sa akin taga-silbi mo?"

Natawa ako. Ganito talaga ang Ate ko, kunwari magsusungit, pero siya pa rin ang gagawa para sa akin.

"Ate naman" sinabi ko habang ipinamalas ang matindi kong puppy eyes at baby pout.

"Aisssh, O, eto na, binalatan ko na para sayo" sinabi niya habang itinusok ng tinidor ang mansanas at sinubuan ako.

"Sarap... pero mas masarap kung Sinigang ang kinakain ko" sinabi ko habang nginunguya ang mansanas sa bibig ko.

"Bawal. Kapag nakalabas ka na ng ospital. Sa ngayon, prutas at soft foods muna"

Para talagang ilang taon na akong di nakakakain ng pagkain. Hindi naman sa pagmamalabis at pagiging OA dahil tatlong buwan lang naman ang walang malay, pero gustong gusto ko na talagang kainin ang mga paborito kong pagkain.

I want real food. Hay.

"At saka, bukas naman, sinabi ng doktor na pwede ka ng makauwi sa bahay, kaya tiisin mo na ngayon, ipagluluto kita ng Sinigang"

"Thanks, Ate"

Yes! Makakaalis na ako sa ospital. Namiss ko na ang totoo kong kama, saka ang totoong kwarto ko. Makakakain na ako ng masarap na pagkain, at makakapagpahinga ng mabuti. Hay salamat.

"Link"

Seryoso akong tinignan ng Ate ko. Hinaplos ang aking mukha at sinabi "Link, tinakot mo ako. Akala ko talaga iiwan mo na ako"

"Hala, buhay pa ako Ate, wag ka ng malungkot"

"It was just that... accidents always cause me pain... taking away all the ones I love"

"Tapos akala ko, ikaw, mawawala ka rin sa akin"

Ang bait ng Ate Lorain ko at minsan nga iniisip ko, sa sobrang bait niya, bakit pinapahintulutan ng Diyos na mawala ang mga importanteng mga tao sa buhay niya. Una, ang mga magulang namin na namatay sa aksidente. Nabangga ng container truck ang sasakyan ng mga magulang ko sa Batangas. At sa mga panahon na iyon, I know that all of the burden was put into her shoulders. Like seriously, taking care of your seven year old brother without parents? Ang hirap noon. Isa pa, she was just fourteen back then.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now