III - 37.2 Suzy's Body ; Duties

1.4K 52 6
                                    

"Sige na bumalik ka na sa kwarto, gusto ko na rin na magpahinga"

Tinignan ni Link ang kaniyang Ate at batid sa mukha nito na pagod ito buhat ng byahe. Ikinagulat naman niya noong may sumulpot sa likod ni Lorain na isang lalaki.

Agad siyang napangisi.

At napatingin naman si Lorain sa likod niya.

"Oh ba't ganyan ka makatingin? Anong meron sa likod ko?" gulat na sabi ng Ate niya.

"Ah wala, may naalala lang ako" depensa naman ni Link "Sige na Ate, good night"

"Siguro naalala mo na naman si Thea nuh" pangaasar ng Ate niya "Speaking of Thea, kamusta na siya? Kamusta kayong dalawa?"

"Hay Ate, diba pagod ka na? Saka ko na ikukwento, sige na matulog ka na" sabi ni Link noong tumayo siya at agad na lumabas ng kwarto. Dumeretcho siyang naglakad papunta sa kaniyang silid.

"Link"

"Naparito ka, Hero. Akala ko tatambay ka pa sa kwarto ng Ate ko"

"Gustuhin ko man, pero iba ang pakay ko sa pagpunta ko dito"

Napaupo naman si Link sa kaniyang kama habang si hero naman ay tumayo sa tapat niya. "Kasama ko rin si Hanna" sabi niya

"Sorry na-late ako ng 5milliseconds!"

Sa sandali ring iyon ay dumating si Hanna sa tabi ni Hero "Alam niyo naman, medyo marami akong trabaho"

"Ba't nga ba kayo naparito?" tanong ni Link "Si Suzy lumabas eh, san kaya yun pumunta?" bulong nito habang napalingon sa labas ng bintana.

"Nandito kami para hasain ka sa pamamagitan ng isang pagsasanay" sabi ni Hero "Kailangan ka naming sanayin ng mag-isa"

"Ngayon na?" 

"Oo naman”

“Ngayong gabi? Hindi ba uso ang matulog?” Nakakatamad” Humiga si Link sa kaniyang kama at ipinikit ang mga mata.

“Wala nang iba pang mas perpektong oras ng pagsasanay kundi sa kadiliman ng gabi. At isa pa, maganda ang buwan ngayon" sagot ni Hero

Napatingin si Link kay hero "Anong kinalaman ng buwan?"

"Wala naman, nasabi ko lang"

Napatawa si Link "Seryoso ka ba?"

Biglang sumingit sa usapan si Hanna "Ipapakita namin sa iyo ang iba't ibang lugar na kailangan mong puntahan bawat gabi habang nasa isang astral state. Ito na talaga ang simula ng pagiging Soul Hunter mo"

"Pero teka, nawala kasi si Suzy, hindi ba dapat kasama siya dito?" tanong ni Link

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now