I-06 Fifth Guardian ; Start of Misfortune

3.4K 91 12
                                    

Maagang nagising si Link. Sa pagtingin niya sa orasan ay alas-sais pa lang ng umaga. Bumangon siya at nakita si Suzy na nakahilata pa rin sa sahig. Maya-maya ay nilapitan niya ito at ginising siya.

"Suzy, gising na"

"Hmmm"

Yakap-yakap pa rin niya ang Panda bear niya. Nakangiti si Suzy na tila nananaginip ng maganda. Sa sobrang pag-aapura ni Link ay hinila niya ang binti ni Suzy ngunit di pa din ito nagising. Niyugyog ni Link ang braso niya, ngunit tulog-na tulog pa rin ito. Maya-maya pa ay nilapit ni Link ang mukha niya kay Suzy. Kukurutin na sana niya ang ilong nito ng biglang ginulat siya ni Suzy ng sumigaw rin ito ng malakas.

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhh!"

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhh!"

Tumigil na sa pagsigaw si Suzy ngunit nagsisigaw pa rin si Link. Nanalo nanaman si Suzy at humagikhik at nagtatalon sa kakatawa.

"Tumigil ka na nga, ba't ka ba nanggugulat lagi?!" reklamo ni L

"Eh kasi, alam ko na pipisilin mo nanaman yung ilong ko ngayon" nakangising sinabi ni Suzy.

"Ewan ko sayo!"

Pinigilan ni Suzy na tumawa nang mapansin na naging seryoso si Link.

"Halika, labas tayo" yaya ni Link.

"Saan?"

"Samahan mo ako sa Convenience Store"

"Bakit?"

"Ayaw mo? Aalis ako mag-isa"

"Sandali, sandali! O, sige na"

"Ayaw mo yata e"

"Wala naman akong kawala sa trabaho ko e. Kapag napahamak ka pa, patay ako"

Link

Naglakad na kami sa kalsada. Nasa likod ko lang si Suzy. Maya - maya ay natisod ako.

"Link, tumingin ka naman sa dinadaanan mo, lampayatot ka rin ba tulad ng best friend mo?"

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Habang naglalakad, nakakita ako ng isang batang kalye na nakatitig ng masama sa akin. Napansin rin ito ni Suzy kaya naman pumunta siya sa harap ko na tila hinaharangan ako mula sa bata.

"Nakakatakot naman itong bata na 'to, kung makatingin naman" bulong ni Suzy.

Mamaya, nakakita ako ng isang truck na may poster na bungo at may nakalagay na "You'll be dead" Nariamdaman ko na lang na hinila ako pa-atras ni Suzy. Muntik na pala akong mahagip ng nagraragasang motor.

"Tumingin ka sa dinaraanan mo Link!" sabi niya sa akin.

"Sorry" sabi ko sa kaniya.

Tila may ibang kaba akong naramdaman sa aming paglalakad. Maya-maya ay narinig ko na lang sumigaw si Suzy

"Link!"

Naramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin ni Suzy. Napadapa ako sa kalsada. At sa paglingon ko ay nakita kong nabagsakan siya ng bakal na nagpadapa sa kaniyang katawan.

"Suzy!"

Napasigaw ako sa gulat at takot.

Nabagsakan si Suzy ng isang malaking metal at nakalapat ito sa kaniyang likod. Nanggaling ang metal mula sa ginagawang building na kinatatayuan namin kanina ni Suzy. Nakita ko lang na nakahalandusay siya sa sahig. Anong nangyari sa kaniya? Ba't hindi siya gumagalaw? Kamusta siya?

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Kde žijí příběhy. Začni objevovat