I-01 Suichiko Zy

7.5K 161 30
                                    

His life is certainly fine – he’s a Third Year College Student in one of the prestigious schools in Manila, he’s living in a good house with his sister, a dean’s lister and a band guitarist. He has charming looks and a perfect smile that can make a lot of girls swoon. He’s kind and gentle but don’t mess up with him for he has this icy cold stare that can make anyone freeze to death.

Perfect?

Ngunit para sa kanya, hindi rin.

Maagang naulila ang magkapatid na sina Link at Lorain dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Sa murang edad ay namulat sila sa tunay na buhay. Mabuti na lamang at napamanahan sila ng kanilang mga magulang na may ari ng isang kumpanya kaya naman hindi naman ganoon kabigat ang naging buhay nila. Nasa pangangalaga sila ng kanilang Tita Beth at Tito Oscar na ngayon naman ay nasa Japan mula ng naglabingwalong taong gulang si Link.

L kung tawagin ng mga kaibigan si Link. Hindi naman nakita sa kaniyang mukha ang lungkot ng pagkawala ng mga magulang. Basta’t nariyan ang kaniyang Ate, okay na ang lahat. Ngunit kahit ganoon, miss na miss na niya ang mommy at daddy niya.

July 22, 2013 noong magpasya si L na dalawin ang puntod ng kaniyang mga magulang sa Quezon. Ang araw na iyon ay ang Death Anniversary nila. Hindi nakasama ang kaniyang Ate dahil sa trabaho. Sumakay siya sa Cubao, sa terminal ng bus papuntang Quezon at aabutin ng 7 -8 na oras ang biyahe papunta duon.

“Saan ka iho?” tanong ng kunduktor.

“Sa Lopez po, estudyante” sinabi niya habang ipinakita ang kaniyang ID.

“Mag-isa ka lang?” tanong niya.

“Opo”

“Mag-isa lang rin yung babae sa may gitna, oh” sabi ng kunduktor habang tinuro ang babae na nakaputing bistida.

“Bagay kayo” dagdag pa niya sabay napanagiti siya.

“Kayo talaga, Kuya” napatawang sabi ni L.

“Kausapin mo kaya? Mukhang malungkot, eh”

“Nakakahiya naman po”

“Sige na. Minsan lang dumaan ang ganitong pagkakataon” sinabi ng kunduktor habang hinila si Link sa kinauupuan ng babae. “O, ayan! Bagay na bagay” Piangtabi nito ang dalawa.

Nagulat ang babae sa sinabi ng kunduktor. Mga ilang saglit pa ay pinaghawak kamay ng kunduktor ang kamay ni L at ng babae. Kakaibang init ang naramdaman nila sa kanilang mga palad. Tila pamilyar at kumportable na pakiramdam ang dulot ng kanilang pagkakahawak-kamay.

“Wag na wag ninyong bibitawan ang isa’t isa. Wag ninyong iiwan ang isa’t isa. Hawak ninyo ang buhay ng isa’t isa” Bulong na sinabi ng kunduktor.

Nagulat ang dalawa sa kunduktor. Bigla na lamang naging seryoso ang kaniyang mukha.

“Sige, diyan na kayo”

“What was that?” sambit ng babae. Inalis niya ang kaniyang kamay kay Link.

“Aray!”

Naramdaman ni Link at ng babae ang tila kuryente na dumaloy sa kanilang ugat mula ng binitiwan nila ang isa’t isa.

“Naramdaman mo yun?” tanong ng babae. Tumango si L.

“Weird” bulong ng babae. “Why are you here beside me?”

“Bawal ba?” sagot ni Link. “Pinaupo lang ako ng kunduktor dito”

“You can sit anywhere, but not here”

“Hala? Bakit sayo ba ‘to? Sayo itong upuan na to?” natawang sabi ni L. “Mukhang wala ka namang kasama e”

“Siguro plano niyo ‘to nung lalaking yun no” sabi ng babae. “Gusto mo lang talaga tumabi sa’kin”

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon