[SPECIAL] Guardian's Meeting

1K 47 12
                                    

"Ah ang sakit sa ulo" daing niya.

Nakapamewang si Yosh habang hawak ang kaniyang scythe sa kabilang kamay. "Masyado akong busy. Ang rami kong dinala na kaluluwa papunta dito sa purgatoryo. Yung iba pa-chiks pa, ayaw pang maniwala sa akin. Ibang klase. Ikaw Hanna, kamusta?"

"As usual, pinapalakas ang mga nanghihinang loob ng mga kaluluwa kasama na ang katawan nila na nagdurusa rin sa sakit" sagot ni Hanna habang nakatingin sa kaniya.

"Siyempre, you are every soul's bestfriend. Kaya mo yan. Sila naman, ang tingin sa akin eh si Kamatayan. But actually, nasasanay na ako. I'm pretty cool with my work. So chill chill rin minsan pag may time, Hanna" mahangin na sabi ni Yosh.

Npangisi si Hanna "Ang rami mong sinasabi" sabi niya "Sa sobrang ingay mo, baka mabulabog ang mga kaluluwa dito sa purgatoryo"

"Isn't our office soundproof?!" sarcastic na sabi ni Yosh.

Bigla namang dumating si Fayelee na may hawak na isang puti na libro. "Nasaan na si Hero?" tanong niya.

"Ah, baka nahuli lang ng onti" sabi ni Hanna. At sa sandali rin na iyon ay dumating si Hero "Oh andito na pala siya" dagdag niya.

"Pasensya na" sabi ni Hero bago umupo sa tapat ni Faye.

"Oh Hero" bati ni Yosh "Dati early bird awardee ka ah, mukhang bumabagal ka yata"

"Pssst. Yosh" suway ni Hanna.

"Ngayong kumpleto na tayo, simulan na natin ang pagpupulong" sabi ni Fayelee.

"You're so formal, Faye. Anong meron?" tanong ni Yosh

"Pssst. Ang daldal mo, ano ba?" pangalawang pagsuway ni Hanna.

Nagsalita na si Faye "I saw potential threats. Their lives are in danger. At umuonti na ang oras ni Suichiko"

At napangising nakatingin si Yosh kay Hero. "Oh Hero, siguro naman alam mo na ang nangyari kay Suzy diba? Na alam na niya ang lahat? She found her helpless body and then she knew that she have less than 150 days left. And soon enough, mapagtatagpi-tagpi rin niya ang lahat ng mga bagay"

"Alam ko. Alam ko na alam niya na"

"Hindi ka ba magpapasalamat dahil iniligtas ko siya, ang katawan niya at kasama na rin ang kapatid ni Hanna?"

Napahinga ng malalim si Hero "Pasensya na sa pagkukulang ko. Tinulungan ko lang rin naman s Link noong panahon na iyon"

"Oops, I still can't hear the magic word, Hero" pang-aasar ni Yosh

"Maraming Salamat" pilit na sabi ni Hero "Okay na?" pahabol pa niya.

"Walang anuman, bayani" natatawang sabi ni Yosh.

"Pasensya na. Alam ko na... hindi ko naman mako-control ang mga bagay-bagay. Alam kong hindi magtatagal ay siya rin ang makakatuklas ng lahat --- ang nakaraan niya at kung paano naging magkakaugnay ang mga bagay-bagay sa mga taong unti-unti niyang nakakahalubilo at nakikilala"

"Nakakabaliw na ba, Hero? Ah oo nga! Balita ko, may umaaligid na detective kay Rain ah" pangaasar ni Yosh.

"Yosh!" nakakunot-noong sabi ni Hanna.

"Kamusta si Suichiko, Hero?" tanong ni Faye.

Natawa si Yosh "Pfft. Tinatanong mo ba talaga iyan, Faye?"

At masama na ang tingin ni Hanna kay Yosh.

"Sorry" sabi ni Yosh habang naka-peace sign. "Sige, magseseryoso na ako" dagdag pa niya. 

"Alam kong kakayanin niya, Faye" madiin na sabi ni Hero "Hindi siya mahina. Kaya niya"

Tumango si Fayelee. "Tiwala naman ako sa'yo... sa inyo. Noong mga panahon na wala si Hero, si Yosh ang sumalo sa responsibilidad. Nakita ko ang pagpupursige mo na magabayan si Link at hindi biro iyon. Masaya ako na nagtutulungan kayo sa panahon na may mga nagaganap na hindi inaasahan." sabi niya.

Nagsalita muli si Faye. "Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo mako-control ang mga bagay-bagay, diba? Ang desisyon, ang mga ikikilos at iniisip ni Suichiko ay nakadepende sa sarili niya. Nariyan ka para protektahan siya, gabayan, at iligtas siya. Ganun rin kay Link. Kaya't sana ay... huwag mo silang pigilan..."

"Wow! You ship them, Faye?" masayang sabi ni Yosh "Hindi ako fan ni Suzy at Link pero---"

"Can you please keep your mouth shut, Yosh? Pretty please?" malakas na sabat ni Hanna

Nagkaroon muna ng maikling katahimikan bago nagsaita si Hero. "Pipigilan ko kung ano ang mga bagay na sa tingin ko ay makakasama sa kanila. Poprotektahan ko sila sa kahit na anong paraan"

"Mangyayari ang dapat mangyari" sabi naman ni Faye "Nakadepende sa ikinikilos, nararamdaman at iniisip ng dalawa ang magiging tadhana nila. Things are beyond our control but--"

"But it seems like it is you who's in control, Faye" pagputol ni Hero kay Faye.

"Hero!" sigaw ni Hanna.

"Kinukwestiyon mo ba ang kakayahan ko?" tanong ni Faye. 

"Hindi. Bilib nga ako sayo. Diba't ikaw nga ang may kakayahan na malaman ang posibleng mangyari sa hinaharap? Hindi ba dapat tinutulungan mo ako na pigilan ang mga masasamang bagay na posibleng mangyari para mailigtas sina Suzy at Link?"

"Tinutulungan ko na nga kayo hindi ba?---"

"You're just giving out clues! You're just giving out warnings! Eh kung sabihin mo na lang kaya kung---"

Agad na sumabat si Yosh "Parang hindi ka naman nabuhay sa mundo, Hero. Ikaw ba talaga yan? Bilang tao, wala ng thrill ang buhay kung malalaman mo na agad-agad ang mangyayari sa hinaharap. Hindi ba?"

"Hero, kailangan lang natin magtiwala kay Faye. Magtulungan na lang tayo dito" mapagkumbinsing sabi naman ni Hanna.

"Ako nga ang tadhana, ngunit hindi ako ang Diyos" madiin na sabi ni Faye.

"Christian, hindi makapangyarihan ang kakayahan ko. Nakadepende lang rin sa Diyos ang mga nakikita ko. Ang trabaho ko lang rin naman ay pagtagpuin ang dapat pagtagpuin, panatilihin ang daan na nakatadhana sa bawat nilalang sa mundo, ang tulungan na pigilan ang kasamaan... naiintindihan mo naman diba?" malumanay na sabi ni Faye.

"Ayoko na mag-magaling. Ayoko na magkamaling muli. Kaya maingat ako sa mga sinasabi ko. Kaya hindi ko hayagang sinasabi ang lahat ng nakikita ko. Dahil alam ko na mangyayari ang mangyayari. Kung may mababago, may mababago"

Natahimik silang lahat, lalong-lalo na si Hero. 

"Ngayon, ito ang gusto kong malaman ninyo" wika ni Faye 

"Ano iyon Faye?" tanong ni Hanna.

"May tagapagmana si Lucy" nagulat ang tatlo sa inihayag ni Faye "At nasa paligid lang siya ni Suichiko"

"Maging maingat tayo sa mga masasamang espirito na nasa paligid. Andito tayo para protektahan, hilumin, at tulungan sa tamang landas ang mga kaluluwa. At ang huli ay ang kalabanin ang kampon ng kasamaan"

"At masasabi ko na malapit na... malapit nang malaman ng dalawa ang lahat. At depende sa kanila kung paano nila tatapusin ang laban at matupad ang misyon"

"Kung may pag-ibig na mabubuo o mawawala"

"Kaya Hero, hayaan mo sila. Nariyan ka para gumabay.. ngunit hindi mo hawak ang nararamdaman nila. Kaya naman, kailangan natin na magtagumpay sa misyon."

"Dahil hindi lang ang buhay ni Suichiko ang nakataya..." napatigil si Faye sa pagsasalita.

"... kundi ang buhay ng nakakarami"

------------------------xx*♥

Chapter 39... coming soon...very soon..

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now