II - 29 Celebration; Photo ; Unexpected

2K 55 27
                                    

Kamusta yung previous Special Chap? Haha, so yeah, duon nanggaling ang kanta. Nahihiya akong ipost yung corniest chapter ever haha pero ge, nilakasan ko na lang loob ko na iexplain yung song ni Link sa special chap. Osya, sige HAHAHAHA ♥ Wag niyo akong katayin after nitong chap. JOOKEE :D ENJOY!

---------------------------------XX*♥

Ang sarap ng tulog ngayon ni Suzy. Nakahilata siya habang yakap ang panda bear na bigay sa kaniya ni Link. Sa ngayon ay gumulong siya para maiba ang posisyon. At gumulong ng gumulong ng gumulong. Hanggang sa naramdaman niya na may dumila sa ilong niya. 

"Meow"

Medyo nagising si Suzy dahil sa pusa niya

"Meow"

Napamulat siya ng mata at nagulat na nasa harap na niya si Potpot.

"Oh good morning bakit k---"

"Aray!"

Napapunta kasi siya sa pinakadulong parte ng kama at nahulog. Napahaplos siya sa likod niya at napatawa.

"Ang clumsy mo talaga, Suzy" sabi niya sa sarili

Bigla naman siyang napabaling ng tingin sa lugar na pinagmulan niya bago nahulog. Napataas ang kilay niya.

"Teka, paano ako napunta sa kama?" nagtataka niyang bulong.

"Meow"

Kinuha na lang ni Suzy ang alaga at hinalikan bago ibinaba sa sahig. Napansin nga niya ang mabilis na paglaki ng pusa niya. Napangiti siya.

Maya-maya naman ay napatingin siya sa study table ni Link. Nilapitan niya ito at nakita ang isang malaking baso na may straw na hula niya ay chocolate shake at isang malaking plato na mayroong spaghetti. Sa tabi naman ay may dilaw na papel na nakasingit sa ibaba ng tray.

 Binasa niya ang nakasulat.

[Ang sarap talaga ng luto ni Link. Oo, sobra. Mabubusog si S, sobra.]

"Ha? Anong pinagsasasabi ni Link? Note ba 'to para sa akin? Aba't may bagong nickname na ko. S? Pauso rin si Link eh. Siya L, ako S. Yung totoo?!" bulong ni Suzy sabay napatawa.

"Di bale na. Pagkain naman ito e. Walang inaatrasan na pagkain si Suichiko" nakangiti niyang kinuha ang tinidor at tinikman ang spaghetti.

"Ang sarap! Hmm. Spaghetti. Weh? Si Link nagluto nito? Di nga?" sabi niya habang kinakain ang spaghetti.

Wala pang ilang minuto ay naubos na niya ang pagkain. Masaya rin niyang ininom ang chocolate shake.

Napagdesisyunan ni Suzy na lumabas ng kwarto at bumaba. Pagbukas pa lang ng pinto ay sinundan niya ang mabango at nakakatakam na amoy galing sa kusina. Bumaba siya at nakita si Link na sumasalok ng spaghetti na inilagay sa pinggan habang nandun rin sina Lorain at si Manang Rose naman ay nagluluto pa rin ng ibang pagkain.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now