I-02 Hero's Answers

5.2K 128 19
                                    

Suichiko

Natutulog ngayon si L. Nakakabored.

Oo, may karapatan naman akong ma-bore diba?

Sinong may sabi na ang multo o anghel o zombie o manananggal ay di pwede ma-bore?

Pero, eto seryoso, nakakabored. Wala akong kausap, wala akong magawa. Lumabas muna ako ng kwarto at umupo sa mahabang upuan na nasa labas lang ng kwarto ni L. At kung paano ako nakalabas ng hindi naiisorbo si L? Lumusot ako sa gitna ng pader. Kaya nga minsan naiisip ko na multo ako e... diba multo lang nakakagawa nun?

Hanggang ngayon wala pa rin akong alam sa pagkatao... ay este, pagka-nilalang ko.

Hindi ko rin tiyak kung tao ako e. Hay.

Tatlong araw ng gising si L. Nakakatuwa naman. Halos tatlong buwan ko rin 'tong inalagaan at binantayan ha! At sinasabi ko sa inyo, ang hirap nitong gamutin. May mga araw na parang bibigay na yung katawan niya, yun yung naramdaman ko na parang ako din nanghihina na. Kaya naman, sa loob ng tatlong buwan, talagang binuhos ko yung lakas ko para lang di siya bumigay.

Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa eh. Ito lang kasi yung isang bagay na sinabi ni Hero, yung wag siyang iwanan, yung bantayan at alagaan siya. Eh ano pa bang magagawa ko? Hindi ko rin alam kung ano ang mapapala ko dito sa ginagawa ko.

Dumating nga sa punto na parang ayoko na kasi nanghihina na ako. Limitado lang rin naman kasi ang kakayahan ko. Kaso pag nakikita kong umiiyak araw-araw yung Ate Lorain niya kapag binibisita si L... lalo kong inisip na kailangan ko pagbituhin ang pagbantay sa kaniya. Pag umiiyak Ate niya, nako, may kirot talaga sa puso ko.

Ang nilalang na kagaya ko pala ay may damdamin rin? Baka, siguro kasi, baka naging tao rin ako. Ano nga ba ako? Ang alam ko lang, ako si Suichiko Zy, isang maputing babae na may mahabang buhok, cute na bangs at may balat sa braso, may nakakairitang malaking peklat sa likod at may lahing Chinese, Japanese, Korean at Pilipino. So, tao ako? Naging tao ako? Kasi may lahi ako?

Ewan ko. Basta biglang isang araw, nagising ako sa basement ng ospital na 'to, nakita ko si Hero at eto, ito na ang naganap. Kung paanong may kakayahan ako na manggamot? Si Hero lang ang nakakaalam. Kung bakit di ako nakikita at naririnig ng mga tao sa paligid? Si Hero lang ang nakakaalam.

Ano kaya si Hero? Superhero?

"Malalim iniisip mo ah"

"Ay Kabute!"

Napasigaw ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Hero na parang... kabute.

"Ikaw ang pinakanakakagulat na kabute sa lahat ng kabute" sabi ko sa kaniya. Natawa na lamang siya sa akin.

"Kamusta?" tanong niya bago umupo sa tabi ko.

"Eto, natutulog si L. Pero nagkaron na siya ng malay. Ang galing ko nuh!" sagot ko.

"Alam ko, kaya nga ako nandito e" sabi niya.

Ang rami kong tanong sa kaniya. Nararamdaman kaya niya na marami akong gustong malaman? Bakit ganito, bakit ganiyan, at kung ano-ano pa. May karapatan rin naman siguro akong malaman diba? Diyos ko, sa pagod ko ba namang alagaan yung alaga ko.

"Alam ko na ang raming bumabagabag sayo. Tatlong buwan ng nakalipas, at nangako ako sayo na kapag nagising si Link, eh sasabihin ko na sayo ang lahat"

Aba! Yun oh. Hindi naman pala ito nakakalimot sa pangako. Oo, pinangako niya sa akin na sasabihin ang lahat at ipapaliwanag ng maayos ang mga nangyari kapag gumaling at nagising si Link. Kaya naman ginawa ko ang lahat.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now