III - 44 Envy

975 38 19
                                    

---------------xx**

92 days left

---------------xx**


[3:00 PM// Metropolitan Police District]



"May mali"


Sa presinto ay kanina pa nagbabasa ng mga old case files si Detective Dylan habang umiinom ng kape. Inisa-isa niya ang bawat kaso at kanina pa nagsusulat sa kaniyang kwaderno ng mga pagkatugma-tugma ng mga isiniwalat na statement at ebidensya para sa bawat na kaso na hawak niya.


"Suzelle Morales"


Binasa ni Dylan ang ilang items sa biography ni Suzelle.


[Grace Sta. Maria // biological parents are deceased// Love House Sister's Convent// adopted at the age of 7// name change: Suzelle Grace Morales// studied at University of London for 2 years// went back to the Philippines in 2013]


"Naaksidente siya noong July 2013, 5 months na naka-coma"


"May hindi eksakto sa timeline ng events..."


Naisip niyang basahin ang isa pang case file na hawak niya. Tinignan niya ang profile ng mga biktima.


"Yuri Mieko Zy"


"Esther Zy"


"Akihiro Zy"


"Suichiko Zy"


Napatitig siya sa litrato at binasa ang profile.


[Suichiko Lee Zy // sister: Yuri Mieko Zy (fraternal twins) // fire and car accident// deceased parents// missing twin sister// Love House Sister's Convent// adopted at the age of 8// recent name change: Suichiko Lee Morales]


"Teka, Suichiko Zy... naalala ko 'tong pangalan na 'to eh"


Inisip ng mabuti ni Dylan ang pangalan na Suichiko Zy. Hanggang sa naalala niya ang pag-uusap nila ni Link sa coffee shop.


"Ahhhh"



Suichiko Zy



"Siya iyong pinapahanap ni Link" bulong niya "Pinapahanap ni Link ang batang babae sa aksidente ng mga magulang niya? Alam na ba niya? Kilala na niya? Pero paano-"


Muling tinitigan niya ang litrato ni Suichiko. Huminga siya ng malalim. "Kailangan kong mahanap si Suichiko Zy... siya ang nag-iisang witness sa aksidente"


Inilapag niya ang papel ni Suichiko at ang papel ni Suzelle. "Nakakapagduda ang relasyon ni Suzelle at Suichiko... pareho silang Morales... inampon... hmm"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon