III - 42.2 Drift Away

794 29 6
                                    


"11:59"


Napakunot ng ulo si Link noong napatingin siya sa kaniyang wall clock. Wala pa rin si Suichiko at maghahating-gabi na. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa tingin niya ay siya ang dahilan kung bakit naglaho si Suchiko matapos ang kanilang paguusap. Mahigit isang oras na mula ng nawala si Suichiko sa harap niya.


Wala na siyang magawa kundi ang umalis sa katawan niya at hanapin si Suichiko.


Sa pag-alis niya sa kaniyang katawan at sa pag lisan niya sa kaniyang kwarto ay agad na binungad siya ng mga itim na kaluluwa sa daan. Napakagat siya sa labi niya at agad na inilabas sa kaniyang mga kamay ang kaniyang spiritual sword na nagpakita ng isang asul na liwanag na agad na nakapagpaatras sa mga kaluluwa.


"Huwag- hindi kami masama" pakiusap ng mga kaluluwa.


"Kung gayon, umalis kayo sa harap ko!" sabi ni Link bago siya tumakbo ng mabilis at iniwasan ang mga kaluluwa.


Ngunit may mga demonyo pa rin na umaaligid sa mga tao at nagdudulot ng kamalasan at krimen at ito ang nasubaybayan ni Link sa paglalakbay. Sinundan niya ito, nilabanan, at isa-isa silang naglaho.


Subalit habang naglalaban sila ay nasugatan si Link sa kaniyang braso dahil sa mahahabang galamay at kuko ng mga demonyo. Walang dugo, ngunit binalot siya ng sakit. Tiniis niya iyon habang naglakbay ang kaluluwa niya para mahanap si Suichiko.


Pumunta siya kung saan-saan. Sa bahay ni Michelle, kila Walter, sa apartment ni Ellery. Ngunit wala si Suichiko duon. Bagamat tinawagan na niya si Yeodoric kani-kanina lang at sinabing wala duon si Suichiko ay kinukutuban pa rin siya sa posibilidad na baka pumunta si Suichiko kay Yeodoric.


Tinungo niya ang daan papunta sa bahay ng kaniyang kaibigan. Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa narating na niya ito. Lumipad siya papunta sa puno at sinilip ang bintana ng kwarto ni Yeodoric.


Duon ay nakita niya na nakatalikod sina Yeodoric at Suichiko sa bintana, nakaupo sa kama, at nakasandal ang ulo ni Suichiko sa balikat ni Yeodoric habang hinahaplos ni Yeodoric ang ulo ng dalaga.


"Bakit siya pa..." bulong niya "Bakit kailangang siya pa?"


-----------------------xx**


Isang halakhak ang bumalot sa headquarters ng mga Soul Guardians. Isinara na ni Fayelee ang malaking ulap na tila nagging isang monitor para masaksihan ng mga Guardians ang kasalukuyang nangyayari sa lupa.


"Grabe, exciting 'to" sabi ni Yosh noong matapos siyang tumawa ng malakas "Ano nang gagawin ng bida natin? Umeeksena pa ang kapatid mo ha, Hanna"


"Tumigil ka nga diyan, Yosh" sabi naman ni Hanna


"Wala akong ginawa ha" sabi ni Hero "Si Suichiko mismo ang nagdesisyon"


"Oo nga" sabi ni Faye "Iba yun sa inaasahan ko"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now