[SPECIAL] Dream

1.1K 56 11
                                    

Dumaan ang dalawang stretcher sa harap niya. Halos bumagsak ang buong mundo niya noong nakita niyang nakaratay ang mga magulang niya.

"MAMA!"

Ang kaniyang ina na nag-aagaw buhay.

"PAPA!"

Ang pagpikit ng mata at pagbagsak ng kamay ng kaniyang ama. 
.

.

.

.

.

"KASALANAN MO! KASALANAN MO ANG LAHAT! KUNG HINDI KA TUMAWID, HINDI NAMATAY ANG MAMA AT PAPA KO! KASALANAN MO KUNG BAKIT BUMANGGA YUNG TRUCK! KASALANAN MO!"

Galit na galit niyang sinigawan ang batang nasa harapan niya - sugatan at nananatiling nakatulala.
.

.

.

.

.

"Bata pa siya. Hindi niya sinsadya ang pangyayari. Nasaktan rin siya, Link" Wika ng kaniyang kapatid na si Lorain.

.

.

.

.

.

Nabalot ng kadiliman ang paligid. Tanging mga boses na lamang ang naririnig niya. 

.

.

.

.

.

"Kung pwede lang ako makabawi.... kung pwede lang sana na ako yung namatay"

"Posible kaya yun? Yung maprotektahan ang isang tao ng hindi niya nalalaman?"

"Paano ba ako babawi? Kaya ko isugal ang kahit na ano, makabawi lang sa batang iyon"
.

.

.

.

.

Pasulpot-sulpot ang mga imahe sa isipan niya. Ang pagais niya sa bahay. Ang pagsakay niya sa bus sa Terminal sa Cubao. Ang pagupo niya sa isa sa mga upuan. Isang nakataikod na babae na nakabistidang puti. Magugulo ang larawan, mga ala-alang bigla na lamang dumaan sa kaniyang isipan.

.

.

.

.

.

“Wag na wag ninyong bibitawan ang isa’t isa. Wag ninyong iiwan ang isa’t isa. Hawak ninyo ang buhay ng isa’t isa”

“Aray!”

Naramdaman ni Link at ng babae ang tila kuryente na dumaloy sa kanilang ugat mula ng binitiwan nila ang isa’t isa.

“Naramdaman mo yun?” tanong ng babae. Tumango si L.
.

.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora