I-18 Hero's Past ; Soul Hunter

2.4K 67 24
                                    

[This will be a long chapter, sana pagtiyagaan niyo! ♥]

"Kailangan ba natin magbalat-kayo bilang tao?" tanong ni Hanna.

"Siguro? Mas makakabuti yun para malayang makausap natin ang mga kaibigan ni Link saka mas makapagmasid tayo, bilang tao" sabi ni Hero.

"Pero makikilala ako ni Mama" sabi ni Hanna.

"Ako na lang. Ikaw, hanapin mo na lang si Suzy. Ako kila Link at Yeolo"

May kakayahan na magbalat-kayo muli bilang tao ang mga Guardians para makihalubilo sa mga nilalang dito sa mundong ibabaw. Hindi naman kasi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng third-eye o ang kakayahan na makakita ng espirito o iba't ibang elemento kaya naman kailangan nilang magkatawang tao muli.

Ngayon ay nakabalat-kayong tao si Hero habang si Hanna ay hindi nakikita ng marami.

Naglakad sila papasok ng hospital. Maya-maya ay naramdaman ni Hero na may humawak sa bisig niya sabay hila sa kanya para sa isang mahigpit na yakap.

"Christian!"

Nanlaki ang mata ni Hero.

"Si Lorain" bulong ni Hanna.

Ang yumakap sa kaniya ang pinakamamahal niya na si Lorain.

"Christian"

Lorain buried her face unto Hero's chest and pulled him closer for a tighter embrace. Naramdaman ni Hero ang pag-agos ng luha ni Lorain. Humihikbi siyang sinabi "Christian, bumalik ka.... bumalik ka.... Christian"

"Hero" bumulong si Hanna "Hindi magandang ideya ang makita ka ni Lorain" dugtong nito.

Nangingilid na ang luha ni Hero ngunit pinigilan niya ang sarili na maiyak. Sa kanilang pagyakap, makikita kung paano nangulila ang dating magkasintahan sa isa't - isa. Ngunit bumitaw sa pagkakayakap si Hero at sinabi "Nagkakamali ka, hindi ako si Christian"

Hindi magawang makatingin ni Hero sa mga mata ni Lorain. Natatakot siyang malaman ni Lorain na nagsisinungaling siya sa kaniya. At isa pa, nasa harapan niya ang pinakamalaking kahinaan niya. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang tumanggi. Hindi dapat malaman ni Lorain na siya si Christian.

"Christian, ikaw yan, alam kong ikaw yan!" sigaw ni Lorain.

Hinawakan ni Lorain ang braso ni Hero at tumulo muli ang mga luha niya. Hindi naman mapigilan ang kirot sa puso ni Hero habang naririnig ang pagtawag sa kaniya ni Lorain ng Christian. Parang bumabalik muli lahat ng ala-ala niya noong kapiling pa si Lorain, noong nabubuhay pa siya bilang Christian.

Pinilit ni Hero na ialis ang kamay ni Lorain at tinitigan ito ng seryoso. Kailangan niyang maging matigas, kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya.

"Pasensya na, pero hindi ko alam ang sinasabi mo"

"Pero Christian-"

"Ate Lorain!"

Napatingin si Lorain sa kaniyang kanan at nagsilbi itong daan para takasan ni Hero si Lorain. Mabilis siyang tumakbo papalayo at sinundan siya ni Hanna. Napalingon naman si Lorain at nagulat na nawala na si Christian sa tabi niya.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon