II-22 Shooting Star ; Girlfriend? ; Soulful Date

2.8K 70 24
                                    

Hello guys, alam niyo natotouch ako kahit iilan lang ang nagbabasa nito haha ♥ Saya saya lang kasi sinasamahan niyo ako sa kabaliwan ko! =))) Si Ellery ang unang bagong character. Ang pangalawa ay nandito na. May dalawa or tatlo pa! Abangan Hehehe \m/ Don't worry, aligned naman sa story ang new characters.. sorry kung rumarami sila. Isn't it amazing? Surprising? Exciting? Isn't it? /imagine Kim Chiu's voice/


Enjoy the update! Namnamin niyo muna ito kasi matatagalan bago ako magapagupdate ng kasunod. Medyo busy lang, peace!  At mukhang aabutin na ng Valentines day ang Pasko at New  Year ng istoryang ito. Pasensya na. Haha! – 02/08/14

Medyo mahaba ito. Pagbigyan niyo na ko! Kiligin na lang kayo Hihihi. Charot!

Heto na! Ten-tenenen-ten-ten!

---------------------**xx♥

"Tara Suichiko, date tayo"

Nanlaki ang mga mata ni Suichiko.

"Ha?!" sigaw ni Suzy.

"Date tayo, tara" sabi ni Link.

Awkward silence.

"Aray!"

"Anong date ka diyan? Crush mo ba ko? Walang date date!"

Binatukan kasi ng malakas ni Suzy ang kaluluwa ni L. Si L naman ay bahagyang napatawa sa reaksyon ni Suzy. Namumula na kasi siya. Sa isipan niya, ang cute cute niya talaga.

"Pero, siyempre joke lang yun" biglang bawi ni Link "Feeling mo naman"

 Sinimangutan siya ni Suzy "Pag ako niloko mo pa, iiwanan kita!"

 "Tss. That wouldn't work for me anymore, Suzy" nakangising sabi ni Link.

"Halika, sumama ka na lang sa akin" sabi pa ni Link noong hila-hila niya si Suzy.

Binuksan ni Link ang bintana sa kwarto niya at tumingin sa itaas. Maya-maya lang ay umakyat siya at hinila paitaas si Suzy. Medyo parang napalipad pa nga ng onti ang kaluluwa ni Link habang papaakyat. Perks rin pala ng kaluluwa ang lumutang o lumipad. Akalain niyo iyon?

Nasa taas na sila ng bubong ng kwarto ni Link. Maya-maya ay humiga si L, hawak-hawak pa rin ang kamay ni Suzy.

"Tatambay tayo dito sa bubong?" tanong ni Suzy "Hindi ka kaya magkapulmunya kasi mahamog na?"

"Pareho tayong kaluluwa ngayon, wag kang mag-alala" sabi ni Link.

"Ah oo nga pala" bulong ni Suzy. Nagulat nanaman si Suzy noong hinila siya pahiga ni L sa tabi niya.

"Bakit ba ang hilig-hilig mong manghila?!" reklamo ni Suzy "Ang sakit kaya sa likod"

Tumuro si Link sa langit "Tignan mo yun oh"

Tumingala rin si Suzy at tinignan ang itinuro ni Link. May isang bulalakaw na tila dumaan sa itaas nila. Bukod pa roon, ang rami pang mga bituin na mas lalong nagpaganda ng view nila.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now