II-25 Danger

1.8K 60 12
                                    

"Ellery, nakita kita sa pangitain ko. Ngayon sasabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo"

Hindi muna umimik si Ellery at sa halip ay ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. Marahan na naghintay lang sina Suzy, Michelle at L sa sasabihin ni Ellery.

"Naririnig ko ang mga nasa isipan ninyo" nagsimula na si Ellery "Hindi ko iyon nababasa, naririnig ko lang"

"Bukod pa duon, nakakarinig rin ako ng mga bulong ng kaluluwa" dagdag niya "Wala akong kakayahan na makakita ng multo o ano pa man"

"Kelan pa iyon nagsimula?" tanong ni L.

"Mula iyon noong nagkasakit ako at nanganib ang buhay" sagot ni Ellery "Hindi na natigil ang mga naririnig ko mula noon"

"Paano mo nalaman na mapapahamak si Gab?" tanong ni Suzy.

"Nalaman ko mula sa multong lagi akong binubulungan. Una nanghihingi siya ng tulong sa akin, but I'm refusing. Wala kasi akong tiwala sa mga multong umaaligid sa akin. Minsan na akong napahamak dahil sa kanila. Muntik na akong mamatay sa ikalawang pagkakataon dahil minsan na rin akong nalinlang ng kaluluwang masama... at saka"

"Link" hinarap ni Ellery si Link "Nakarinig ako mula sa isang kaluluwa noon... na maaaksidente ka. Pero ipinag walang bahala ko na lang iyon. Hindi kasi ako naniwala sa simula. Pero noong naaksidente ka talaga, natakot ako. Mas lalo akong natakot na pakinggan ang mga bulong nila"

"Sana nabalaan kita noong una pa" sabi niya "Sana hindi ka naaksidente"

Biglang natahimik si Ellery. Si Link naman ay agad na pinisil ng bahagya ang braso ni Ellery.

"Hindi na importante iyon, Ellery" sabi ni Link "Nakatadhana nga sigurong mangyari ang lahat ng ito. At kung bakit nagkakalapit lapit tayong may iba't ibang kakayahan, alam kong may dahilan"

"Kung hindi ka man nagtitiwala sa ibang mga kaluluwa, ako, sana ako, mapaniwalaan mo" biglang sabi ni Suzy "Wala akong ibang hangad kundi ang matulungan si Link kasama na ang mga kaibigan niya. At isa pa, kasama ito sa misyon ko. Sana magtiwala ka sa akin"

Narinig naman ng mabuti ni Ellery ang mga sinabi ni Suzy, pero hindi siya kumibo. Napansin ito ni Michelle kaya nagsalita na siya.

"Mabuting kaluluwa si Suzy" sabi ni Michelle "At isa pa, hindi pa siya isang multo. Isa siyang kaluluwa na may misyon. Isang kaluluwa na may pagasa pang makabalik sa katawan niya"

"Ibig sabihin, hindi pa siya patay?" tanong ni Ellery.

"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat" sabi ni Michelle.

"Ellery" tawag ni Michelle na may seryosong mukha "Ito lang ba ang alam mo?"

"Meron pa" bulong ni Ellery "Tungkol kay Walter"

 .

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now