III - 40.2 Voices

1.2K 45 11
  • Dedicated kay all of the readers who have patiently waited for an update, thank you!
                                    

"Whoah, grabe hot topic na naman si Link!"

"Sino ba talaga yung babae?"

"Malapit na mag-Valentines tapos mababalitaan mo na may girlfriend na yung crush mo... saklap teh!"

"Wag nga kayong eksaherada. Brokenhearted ka? Bakit, naging kayo ba ni Link?"

Napailing na lamang si Gab habang naririnig ang chismisan sa buong cafeteria. Magkakasamang kumain sina Walter, Gab, Dodong, Jong at Hoya sa isang lamesa habang hawak hawak ang kani-kaniyang smartphone. Dalawang linggo na kasi ang lumipas at binulabog ang Metropolitan University ng isang post sa Facebook kung saan si Link ay ang pangunahing  laman ng usapan. 

"Link again" bulong ni Hoya "Hindi ba pwedeng iba naman yung pag-usapan? Kulang na lang ilagay yang FB post na yan sa MU Journal bilang article eh. Parang nagiging tabloid na yung school eh" dagdag pa niya.

"Oh Dong, bakit parang di ka informed na may bagong chismis na naman kay L?" tanong ni Jong.

"Ewan" malamyang sagot ni Dodong.

Iniharap ni Gab ang kaniyang bagong Iphone 6 plus sa mga kaibigan at ini-zoom ang litrato sa screen "Grabe, medyo mas malinaw kesa sa unang picture, pero blurred pa rin, naka-side view na parang kinuhanan pa mula sa taas ng building eh!"

"Yabang, bago ang phone, rich kid" biro ni Walter.

"Shut up, wag mong ibahin ang topic" sagot naman ni Gab.

"Teka, eh sobra naman pala sa pagka-stalker 'tong Shanaia eh. Kagrupo niyo pa sa isang subject yung babaeng yun?" kumento naman ni Jong.

Hindi nagsalita si Dodong na ipinagtaka ng lahat.

"Oh ba't natahimik ka, Dong?"

Tumingin si Dodong sa buong sulok ng cafeteria sabay nagtanong "Guys, wala pa ba si Link? Parating na ba siya?"

"Well may klase pa siya, one hour pa bago siya makababa dito sa caf, bakit?" sagot naman ni Jong.

Una ay parang nag-alinlangan pa si Dodong bago nagsalita. "Wala lang. Hindi ba't naisip niyo na baka hindi totoo si S?"

"Oo" sabay sagot ni Hoya "Malay mo camera tricks lang yan or edited. Wag nga kayong masyadong magpaniwala sa ganiyan" dagdag pa nito.

"Paano nga kung hindi siya totoo? Paano kung multo siya?" tanong ni Dodong.

Natahahimik ang lahat. Si Walter naman ay tila kinabahan sa sinabi ni Dodong.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"JOKE BA YAN BRO?!"

"GRABE PATAWA SI DODONG!"

At sa paghalakhak ng lahat ay tila nawala ang kaba ni Walter. Akala niya'y papaniwalaan ng mga kaibigan niya ang mga sinabi ni Dodong. Gayunpaman ay interesado siya kung paanong naisip niya ang ideyang baka hindi totoo si S.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon