I-10 Birthday Bash ; Death Anniversary

3.1K 81 9
                                    

November 1, 2013

Nagising si Link ng tila masakit ang ulo. Ang napapala nga naman ng nakainom. Hindi naman nalasing si L pero ramdam niya ang bigat sa ulo niya. Maya-maya ay nakita niya si Suzy na may hawak na tray at may tasa. Naamoy niya na nagtimpla ng tsaa si Suzy.

"Gising ka na pala" sabi ni Suzy "Pinagtimpla kita ng tsaa"

"Salamat" sabi ni Link habang iniabot ni Suzy ang tasa kay L.

"Masakit ang ulo mo?" tanong ni Suzy habang hinaplos ang ulo niya.

Maya-maya ay naramdaman ni Link ang paggaan at paglamig ng ulo niya.

"Salamat" sabi ni L

"Kasi, wag kang uminom ng masyado" sabi ni Suzy.

"Hindi naman ako nakarami eh" paliwanag ni L pagkatapos niyang inumin ang tsaa.

"Sige, ibabalik ko lang ito sa kusina" sabi ni Suzy bago umalis ng kwarto.

Tinignan ni Link ang cellphone niya. Nakita niya sa screen na nagtext si Thea.

[Thea ; 11.1.13 ; 9:55 AM]

I hope you're safe! Thank you for last night. I appreciate it!

[To: Thea ; 11.1.13 ; 10:00 AM]

Happy Birthday Thea! Happy Halloween din sayo! Sana mag-enjoy ka sa date niyo ni Xian. Ingat!

Napa-buntong hininga si Link habang sinesend ang message. Hindi niya alam kung may halong ka-plastikan ang paghiling niya na sana mag-enjoy silang dalawa ni Xian sa date nila. Pero sa mga saglit na iyon, yun lang ang naisip niya na sabihin kahit labag sa damdamin niya.

Maya-maya ay nagreply na si Thea.

 

[Thea ; 11.1.13 ; 10:02 AM]

Link, tayo na lang mag-date ngayon. Pupunta kasi si Xian sa probinsiya. Alam mo naman na kaagaw ko ang undas sa oras ni Xian, kahit na birthday ko pa. Ano okay ba?

Natuwa si Link sa nabasa niya. Ang makasama si Thea? Malamang, excited na ang bida.

[ Reply to Thea ; 11.1.13 ; 10:03 AM]

Sure! Lunch tayo?

[Thea ; 11.1.13 ; 10:05 AM]

Link! Sige, lunch ha :) See you later!

[Reply to Thea ; 11.1.13 ; 10:07 AM]

Opo :p

“Yes!” sigaw ni Link.

Nakangiti si Link habang namimili ng susuotin ngayong araw. Pumunta siya sa CR na nasa loob lang ng kwarto at naligo ng mabilis. 

"L, nasa CR ka ba?" tanong ni Suzy mula sa labas ng CR.

"Oo. Umalis ka muna, magbibihis na rin ako"

"Okay!"

Noong matapos si Link na maligo ay nagbihis na ito. Nag-ayos, nag-suklay, ngumiti sa harap ng salamin at pinlantsa gamit ang kaniyang kamay ang kaniyang polo.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now