[SPECIAL] S (L's Song)

1.8K 60 10
                                    

 Link

Inspirasyon ba kamo?

Naguumapaw.

Nagsusulat ako ngayon ng kanta.

Pero grabe lang....

Ngayon lang ako tinamaan ng ganito.

Sa loob ng dalawang buwan mula ng nagising ako, siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin ay ang makilala ko si Suichiko. Ang corny ko ba? Hindi ba bagay sa akin ang maging cheesy kasi lalaki ako? Gwapo naman ako eh, kaya siguro mapapagbigyan naman ako diba?

Kidding.

Pero walang halong biro, oo, si Suichiko. Siya kasi ang nagpabago ng buhay ko. 

Mula sa pagmulat pa lang ng mga mata ko, ang una kong nasilayan ay ang mukha niya. Napakaganda, napakaamo. Akala ko pa nga noong una, nurse siya sa ospital na iyon. Tandang-tanda ko pa.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang antok at pagod. Narinig ko ang katahimikan ng silid at ang pagpagaspas ng mga dahon na dulot ng malakas na hangin. Papatulog na ako ng may naramdaman akong malamig na humaplos sa aking ulo.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nasulyapan ko ang pinakamagandang mukha na nakita ko sa buong buhay ko. Pamilyar at maamo ang mukha. At lalo siyang gumaganda, kapag nakangiti.

“Kamusta L?”

 

Siya ang pinakamakulit, pinakapambihira, pinakasutil, pinakanakakatawa at pinakabungisngis na nilalang na kilala ko. Nilalang, kasi hindi ko pa kumpirmado kung tao siya, manananggal, anghel, multo o kung ano pa man. Natatawa ako habang naaalala ko kung paano siya nagkaroon ng identity crisis noong mga panahon na yun. 

Hanggang sa nalaman ko na, isa pala siyang di pangkaraniwan na kaluluwa. Isa pala siyang Guardian.

♫♪ Basta't hawak ko ang iyong kamay

Kahit saan tayo ay maglalakbay

Basta't masilayan ang iyong ngiti

Tila ang puso'y kinikiliti

Simula noon,  kahit saan kasama ko siya. lagi siyang parang nakadikit sa akin na linta, laging nakabuntot, laging nakabantay. Pero gusto ko yun... kasi ngiti pa lang niya buo na araw ko. Alam mo yung parang kinikiliti yung dibdib ko... oo ganun. Corny nuh? Gay.

Idagdag mo pa na, madalas kong mahawakan ang kamay niya. Alam niyo ba yung pakiramdam na parang ang gaan gaan ng paligid? Iyong tipo na kahit saan kami pumunta okay lang kasi andiyan siya? 

Gay.

Noong nalaman ko naman na Soul Hunter ako, kinakabahan man ako, pero natuwa ako. Kasi nalaman ko na mas may magagawa pa ako para makasama si Suzy. Mas magkakaroon ako ng dahilan para protektahan siya. Partners kami, diba? Hunter ako, Healer siya. Ang bait ng tadhana. Simula nun, mas napamahal ako sa multong hindi ko akalain na darating sa buhay ko.

 

"Bakit ba ang hilig-hilig mong manghila?!" reklamo ni Suzy "Ang sakit kaya sa likod"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Kde žijí příběhy. Začni objevovat