TGR#1

4K 143 63
                                    

Mr. Gamboa's POV

"Sir, sorry to say pero kaunting panahon na lang ang natitira para sa anak niyo. Hangga't maaari, ibigay niyo na po lahat ng gusto niya at lagi niyo siyang papangitiin. Mahalaga ang bawat mga minuto. Mas maganda kung iuuwi niyo po siya sainyo at wag niyo siyang iiwan. At kung maaari wag niyong ipapahalata sakanya na nasasaktan kayo para sa lagay niya." Tinapik ako ni Dr. Chu, ang family doctor namin.

"Maraming Salamat, Doc."

Nanghihina akong umupo dito sa may bench sa labas ng kwarto ni Michiko. Hindi ko maisip bakit sakanya pa nangyari 'to? Ang bata pa niya. She is just 17 years old for fucking sake.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko. Kahit tamad na tamad akong makipag-usap sa kahit na sino.

"Yes?"

"Sir, kailangan po kayo dito. Nandito po yung presidente ng Woollim Entertainment. Gusto daw po niyang sabihin sainyo na pumapayag na po siya sa proposal niyo."

"Good. Pupunta na ko diyan."

Pumasok ako ulit sa kwarto ni Michiko na mahimbing na natutulog. Kung hindi man siya gagaling, gagawin ko ang lahat para matupad lahat nang kahilingan niya.

Isang avid fan ng MyungYeon si Michiko. MyungYeon ang tawag sa tambalan ni Kim Myungsoo at Park Jiyeon. Hindi pa sila nagkakaroon ng project magkasama, pero napakarami nang may gusto sa tandem nila.

Masayang masaya si Michiko kapag nakakakita siya kahit ng edited picture lang nung dalawa, nagtatalon naman siya sa tuwa kapag nagkakasama yung dalawa sa isang event kahit na wala talaga silang interaction o hindi man sila nagkakausap. Hindi ko maintindihan pero para kay Michiko, pagsasamahin ko ang dalawa na 'yon sa isang proyekto.

"Anak, aalis muna si Papa ha? Babalik rin ako." Yumuko ako para halikan si Michiko sa noo at inayos ko ang kumot niya. Sumulyap rin ako ulit bago ako tuluyang umalis sa kwarto niya.

Wala akong pakialam kahit magmukha akong masama. Matagal nang tinatanggihan ng dalawang idols na 'yon ang projects na pinopropose sakanila. Hindi ko alam kung ano bang rason pero hindi ako makakapayag na tanggihan nila ang gusto ko.

I'll do everything for them to be together.


Jiyeon's POV

"Yah, manager! Hindi pa ba tayo aalis? Diba sinabi ko na sayo na ayaw ko makasama ang lalake na yon?!" I nudged my manager na katabi ko lang ng upuan. Dapat rest day ko ngayon, wala pa kong matinong tulog dahil nagperform kami sa isang music show kagabi.

"Park Jiyeon, akala ko ba okay na? Diba, ayaw mo mawalan ng career?"

I rolled my eyes. Damn damn damn. Kung hindi ko lang talaga pangarap 'tong pagiging idol at pagiging artista, hindi ako magpapatakot dito sa sinasabi ni manager eh.

Kanina kasing umaga, tinawagan niya ko at kinukulit about dun sa proposal ni Mr. Gamboa daw about me and that jerk Myungsoo together. Last week pa niya ko kinukulit don eh, nabubwisit na ko sinabing ayoko. Ayoko ayoko ayoko! Ayokong makasama ang lalake na yon!

Pero, nung sunduin ako ni manager. Sinabi niya sakin na pwede akong matanggal sa pagiging idol at pagiging artista ko kapag hindi ako pumayag sa project na 'to. Nakakainis, diba? Bwisit!

"Damn damn damn. Nakakainis talaga," pinagpapadyak ko ang paa ko na parang bata.

Napatingin ako ng masama nang biglang paluin ni Manager Sehun yung paa ko. Pinaningkitan niya ko ng mata pero inirapan ko lang siya. Don't worry, ganito talaga kaming dalawa, para kasing kuya ko na yang si Manager Sehun since umalis si Ate Jinya ko.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now