TGR#16

855 46 12
                                    

Jiyeon's POV

"He left your Ate Jinya on the day of their wedding, right?"

Pakiramdam ko tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Bakit kailangan pa niya sabihin 'yon? Bakit kung kailan okay naman na kaming dalawa? Iniwas ko ang tingin ko kay Myungsoo, at nagpanggap na lang ako na tulog. Ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon dahil tapos naman na ang shoot ngayong araw. Hinihintay na lang naming dumating sila Mr. Joey.

"I know you are still awake. Sorry for bringing that up." Naramdaman ko yung paggalaw ng kama, panigurado tumayo na siya pero di ko pa rin dinidilat ang mga mata ko. "Sa living room na lang ako."

Dumilat ako kaagad nang marinig ko ang pagsara ng pinto. I can't help but to sigh, napaka-wrong timing naman kasi niya. Good mood ako saka pa siya nag-open ng topic tungkol doon. Nakakainis talaga.

Wala kaming kibuan habang pabalik kami sa bahay namin—este sa bahay ni Mr. Gamboa na pinahihiram niya para lang dito sa We Got Married na 'to. Kung hindi lang talaga ako natatakot mawalan ng career, hindi talaga ako papayag sa proyekto na 'to. Living in the same roof with the younger brother na dahilan kung bakit lumayo si Ate Jinya samin mas lalo akong nakakaramdam ng galit. I know, hindi ko dapat ibunton ang galit ko kay Myungsoo dahil hindi naman niya 'yon kasalanan pero masisisi niyo ba ako? Kapatid niya ang lalakeng nanakit sa ate ko.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Tinawag ako ni Myungsoo pero di ko siya pinansin. Rude na kung rude pero mas maganda na 'tong umiwas ako sakanya, baka magkasagutan pa kaming dalawa.

I checked my cellphone. Oh my god, nakalimutan ko nga palang pinapapunta ako ni Manager Sehun sa company building namin. Nagpalit lang ako ng damit ko, isang black shirt lang at isang gray sweat pants. Nagsuot na rin ako ng shades.

Nang bumaba ako, napatigil ako nang makita ko si Myungsoo na nakaupo sa may sofa na may hawak hawak na cup at nakatingin sakin.

"Pupunta ako sa company namin. Wag mo na ko hintayin. I have a key."

Good thing at hindi naman na siya sumagot. Sumakay na ko sa kotse ko at ini-start 'to, magdadrive na sana ako nang tumunog yung cellphone ko. I get it at nakita kong may text. Galing kay Myungsoo.

Take care.

Hindi na ko nag-abalang magreply. Inis pa din ako sakanya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng CEO namin. Pinatawag niya ako para sabihing postponed muna ang comeback ng T-Ara dahil magsosolo muna ako. Hindi sa ayaw ko pero masyado lang akong nabigla. Mas magiging busy ako ngayon. Mas mawawalan ako ng oras kay LJoe.

"Manager, bakit naman agad-agad? Ready naman na kami para sa comeback namin." Sabi ko bago ako sumakay ulit sa kotse ko.

"Alam mo naman ang CEO natin, Jiyeon. Bakit? Ayaw mo ba? Diba matagal mo na din 'tong pangarap?"

"Hindi naman sa ayaw pero kasi..."

"Ano?"

Umiling ako. "Wala. Sige, alis na ko. Bye, manager."

Great. Kung kailan gusto kong bumawi sa boyfriend ko saka naman ganito. Nakakainis talaga.

Bago ako magdrive, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si LJoe.

"Where are you? Can we meet?" mabuti na lang at sinagot niya agad. Napangiti ako nang marinig ko yung boses niya.

"Nasa practice room kami ngayon. Pero papunta na din sa dorm. Bakit? Tapos na ba ang shooting niyong mag-asawa?"

I rolled my eyes. Halata namang inaasar ako nitong lalake na 'to. Diniinan pa talaga niya yung salitang mag-asawa tapos sinundan pa niya ng halakhak na pang-asar.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon