TGR#52

464 26 1
                                    


(Jinya & Jiro on the multimedia)

Jiyeon's POV


"Titaaaaa! Gusto ko pang sumakay dun!!!!" 


"Jinji-ah, pagod na si Tita Jiyeon. Papahinga muna ako," hindi na ko makalakad ng maayos kasi nakalambitin si Jinji sa may binti ko. Oo, napakacute na bata nito pero hindi ko na kaya gusto ko muna maupo at makapagpahinga. Kanina pa kami sakay ng sakay. 


Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong hindi na nakakapit si Jinji sa binti ko. Pagdilat ko nakita kong karga karga na siya ni Jiro oppa at pagkatapos napatili si Jinji kasi inupo siya ng daddy niya sa magkabilang balikat nito at saka nagtatakbo.


"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Jiyeon-ah. Napakakulit niya ngayon. Wala kasing makalaro sa bahay," nginitian ko lang si Ate Jinya. 


"Okay lang, ate. Nag-eenjoy naman ako kasama si Jinji. Napagod lang talaga ako sa mga sinakyan namin." 


Ang ganda-ganda talaga ng ate ko. Smiling really suits her. Hindi ko tuloy maiwasan balikan yung dati, yung mga panahong hindi ko nasisilayan ang mga ngiti niya, yung mga panahong wala kang makikitang kahit ano na emosyon sa mukha niya. Yung mga panahong nasira ang mundo niya...


"Ang laki laki mo na, parang dati lang para ka pang si Jinji nakakapit ka sa binti ko at kinukulit mo din ako."


I look at her again. "Ate, salamat. I missed you so much." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya, sinuklian naman niya yung yakap ko. "Let's enjoy this week here and catch up with each other," sabi ko.


"Oo naman. Madami kang dapat ikwento sakin." She giggled.


Lumayo ako sakanya at tinitigan ko lang siya tapos bigla na lang kaming nagtawanan. 


"UWAAAAAAAAAAH!"


Natigil kami sa pagtawa nang makita namin si Jiro oppa na buhat buhat si Jinji na umiiyak. Napatayo kami ni ate.


"Anong nangyari sa baby ko?" nawala yung ngiti sa labi ni Ate Jinya nang makita niya ang anak niyang iyak ng iyak. Kinuha niya si Jinji sa daddy nito at niyakap. "Ssssh, tahan na, baby. Andito na si mommy."


Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Jinji.


"Naghahabulan kasi kami tapos bigla siyang nadapa." Narinig kong sabi ni Jiro oppa nang tabihan niya si ate. "I'm sorry, baby, hindi naging maingat si daddy." He kissed Jinji on her head and he really looks so sorry.


"Oppa naman kasi! I told you dapat hindi na kayo naghahabulan. Alam mo namang medyo clumsy 'tong anak natin." 


Napangiti ako. Ang cute kasi magalit ni ate. Kinurot pa niya sa pisngi si Jiro oppa. 


"Sorry na, jagiya."


"Hmp."


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon