TGR#45

660 29 9
                                    

Jiyeon's POV


"OKAY, CUT!"


Inabutan ako ni Sarah unnie ng bottled water. Napakainit ngayon. Pakiramdam ko pa ang sama ng pakiramdam ko. Hindi kasi ako natulog kagabi. Palagi kong naririnig yung sinabi ni Mama nung magkausap kami sa cellphone.


"Jiyeon-ah, ayos ka lang ba?"


Nginitian ko lang si Sarah unnie after kong uminom ng tubig. Binalik ko rin sakanya 'to. Naglakad ako para maupo muna sandali. May 10 mins. break naman bago yung susunod na scene. Puro 'tong scene na 'to hindi pa kami nagkakasama ni Myungsoo. Mabuti na lang dahil panigurado akong magtatanong yun ng magtatanong, alam niya kung kailan may bumabagabag sakin at kung kailan ako nagsisinungaling.


Nang makaupo ako sa isang gilid. Niretouch ni Sarah unnie yung make-up ko. Artista ako dito sa drama na 'to kaya yung make-up ko hindi basta-basta. Kinuha ko yung script ko at binasa ko na lang para madivert yung attention ko sa iba kesa dun sa pinag-usapan namin ni Mama kagabi.


"Unnie!"


Inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yung tumawag sakin. Syempre, that is Michiko.


"Michiko, andito ka. Napakainit ah? Bakit ka lumabas ng hotel room mo?"


Tumabi siya sakin. "Wala kong magawa sa loob, unnie. Manonood na lang ako ng shooting niyo. Pwede po?" she said after she linked her arms with me.


"Oo naman. Mas maiinspired akong galingan kapag nandyan ka." Sabi ko sabay gulo sa buhok niya.


Mabuti na lang andito si Michiko at nakatulong siya para gumaan ang pakiramdam ko. Nagkwentuhan lang naman kaming dalawa hanggang sa nagstart na ulit yung shoot. The whole shooting nakaupo lang si Michiko sa isang tabi mabuti na lang sinamahan siya ni Sarah unnie at pag napapatingin ako sa pwesto nila pinapakitaan nila ko ng fighting sign kaya naman napapangiti ako.


Umayos naman ang pakiramdam ko kaya nagawa ko naman ng mabuti yung mga scenes for this day. Ang bilis lumipas ng oras at natapos na rin yung shooting for this day. Sabay-sabay na kaming bumalik sa may hotel. Nagpaalam muna ako sakanila at bumalik ako sa hotel room ko.


"Nakakapagod pero namiss ko 'to. Namiss ko talagang umarte." Nakangiti kong sabi.


Biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko 'to. Si Myungsoo tumatawag.


"Myung? Nasa hotel room ko ako. Bakit ka napatawag? Kakain na ba?"


"Hindi pa naman. On the way pa lang kami pabalik sa hotel. Kakatapos lang ng shoot namin. How's your shoot? Okay naman?"


Napangiti ako, ang sarap talaga pakinggan ng boses niya.


"Okay naman. Grabe lang talaga ang init. Buti nga nakatapos kami agad. Ang sarap dito sa loob! Lakas ng aircon!" Sabay tawa ko.


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now