TGR#31

729 44 15
                                    

Jiyeon's POV

"Good job, girls!" 

Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi ng choreographer namin, lumapit kaagad ako sa may bag ko at nahiga sa tabi nun after kong makuha yung cellphone ko. I quickly clicked the LINE button at nakita kong flood na naman ako. 

"Si Myungsoo talaga wala na naman magawa," bulong ko sa sarili ko habang binabasa yung mga messages sakin ni Myungsoo sa LINE. "Bored na naman siguro 'tong lalake na 'to?"

I dialled his number para masermunan. 

"Yah! Wala ka na naman bang magawa?" 

"Hello there too, Miss Park Jiyeon."

"Makakagalitan ka na naman nila Sunggyu oppa niyan!" 

"Naks, concern?" at humalakhak na naman siya.

"In your dreams naman, oy!" sabi ko at sinukbit ko na yung bag ko sa may likod at lumabas na ko ng practice room. 

"Haha! Tapos na practice niyo? Labas tayo may bibigay ako sayo."

"Hm? Ano naman?"

"Secret. O ano? Pwede ka ba?"

Sumilip ako sa may labas. Maliwanag pa. Adik talaga 'to! Baka mamaya maissue na naman kaming dalawa. Ang dami na kayang nagkalat na articles na nagdedate daw kami. Hindi naman!

"Okay ka lang? Ang liwanag pa." 

"Ano naman? Dali na, Ji. Gutom na ko!" pagmamaktol niya. 

I sighed. Nagpapacute na naman 'to. Kainis. Dapat sa mga fangirls niya siya ganito e! Panigurado kikiligin yung mga 'yon sabay sabing "KYAAAAA! OPPA ANG CUTE MOOO! LILIBRE KITA EVERYDAY!"

"Oo na. Sheesh. Pero pwede mamaya ng gabi? Ang aga pa! Mamaya may makakita pa satin magkaissue na naman! Ibash na naman ako ng mga fans mo! Ugh! Hassle kaya!" pagrereklamo ko. Talaga naman, doble pa yung bash na mga natatanggap ko ngayon kesa nung nasa WGM pa kaming dalawa. I don't know why?

"Hayaan mo na sila. Wala silang magagawa kung ikaw ang gusto ko."

"Ha?"

"Tss. Wala. Bingi mo talaga. I'll pick you up at 7. Bawal malate ha!"

Ako pa talaga bingi? Yung lalake talaga na 'yon o! Tss.

Bumalik ako ulit sa pagppractice. Sakto namang 7 ang labas. At sakto rin paglabas ko nandun na siya. 

Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ako lumapit sakanya. Pagkalapit ko hinampas ko siya.

"Oy ang sakit! Why did you hit me?!" tinakpan ko yung bibig niya gamit ang kamay ko. Ang tangkad niya ha! Nakatingkayad pa ko para lang matakpan ko yung bibig niya.

"Napakaingay mo! Pumasok ka na nga!" sabay tulak ko sakanya papasok sa loob ng kotse. "Adik ka ba? Naghahanap ka ba ng gulo? Nakatambay ka pa talaga sa labas? Seriously, Kim Myungsoo?!"

"Chill lang, Ji." Sabi niya tapos bigla siyang tumawa. Bwisit! "O? Nakakatakot 'yang tingin mo ha. Baka mamatay ako lagot ka sa fangirls ko." Sabay lagay niya ng isang kamay sa mukha ko. 

I get that chance para kagatin siya. Napasigaw siya sa sakit. Serves him right!

"Di naman ako nainform na may lahi kang aso?" 

"Di naman din ako nainform na may lahi kang pampam?" sagot ko.

"What?"

"Wag mo na ulit gagawin 'yon! I hate you! Paano kung may nakakita sayo kanina?!" 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon