TGR#41

763 30 8
                                    

A/n: Sorry for not updating!! xoxo


Jiyeon's POV


"Manager! Saan po ba tayo pupunta?!" hindi ako magkamayaw dito sa dala-dala kong mga bags. Buti na lang kasama ko si Sara unnie, my stylist. I asked her earlier pero wala naman akong nakuhang sagot. Pakiramdam ko may tinatago sila sakin ni Manager.


"Manager! Wait up!" tumigil naman si Manager sa paglalakad nang mahawakan ko siya sa may sleeve ng polo niya. "Bakit ba tayo nagmamadali?"


"Baka maiwan tayo ng eroplano so Jiyeon can  you ask those questions later and just hurry up?"


Wala na kong nagawa. Nakakatakot din magalit si Manager. Tahimik na lang ako sumunod sakanya hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. 


What the heck? Kaninong eroplano 'to? 


Hinanap ko sila Manager pero hindi ko sila makita. Naiwan lang ako dito sa isang tabi kasama yung mga bagahe ko. Inopen ko sandali yung cellphone ko, himala walang text si Myungsoo sakin? Ano kayang ginagawa nung lalakeng 'yon? Tagal na rin since di kami nagkakausap na dalawa. I kinda miss him. 


Biglang tumunog yung cellphone ko kaya nabalik dito yung atensyon ko. 


Unknown number is calling. Sasagutin ko ba? 


Wala namang masama kung oo, diba?


"Hello? Sino 'to?" 


"Jiyeon."


Oh my goodness... kilalang kilala ko ang boses na 'to. 


"Lee Byunghun." 


"Where are you? Can we meet?"


Napangiti ako. Parang walang nangyari dati ah?


"Sorry. Pero aalis ako ng Seoul. I'll contact you once I come back."


"Okay. Take care. Ji..."


"Hmm?"


"Nothing. Bye."


Makikipagkita nga ba ako sakanya pagkabalik ko dito? I deserve an explanation naman, diba? Hindi naman siguro masama na malaman ko mula sakanya ang dahilan kung bakit bigla na lang siya umalis ng bansa. Kung bakit iniwan niya ko sa panahong patuloy pa rin akong kumakapit para sa aming dalawa.


"Jiyeon unnie!"


Nanliit ang mga mata ko. Inaaninag ko kung sino yung nasa may pintuan ng eroplano na kumakaway sakin. Parang pamilyar yung boses. Itinago ko yung cellphone ko sa dala-dala kong bag at hinila ko na yung luggage bag ko.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon