TGR#21

856 48 3
                                    

Michiko's POV

"Daddy, okay na po ako. Kailangan ka sa office mo. Wag mo na po kong alalahanin," kanina ko pa sinasabihan 'tong si Daddy pero hindi niya ko sinusunod. Nandito lang siya sa tabi ko at nakahawak sa kamay ko.

"No, hindi aalis si Daddy, Michiko. Napaka-pasaway mong bata ka! Paano kung may nangyaring masama sayo? Hindi mo man lang ba naiisip na mag-aalala ako?"

Ngumiti lang ako at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Daddy na nakahawak din sa kamay ko. Kanina pa rin na ganito ang usapan naming dalawa. Okay lang naman na sinesermunan niya ko nang paulit-ulit because I understand my dad, he is just worried about me. Silly me, lumabas kasi ako ng bahay with my own and tinry kong mag-jogging. Nabobored na kasi ako sa bahay. Hindi ko naman pwedeng istorbohin sila Jiyeon unnie at Myungsoo oppa kahit na sinabi ni Daddy sakin na anytime pwede ko silang puntahan. 

"Dad... I'm sorry. Hindi ko na po uulitin." Tapos niyakap ko si Daddy. "Oh, time to smile na, dad. Sige ka, lalo kang papanget." Pagbibiro ko.

"Are you saying that I'm an ugly father, Michiko Rose Gamboa?" he said with his authoritarian tone.

I giggled then I link my arms with him. "Just kidding, dad. You are the most handsome father in the world!" sabi ko then I kiss him in his cheek.

Sabay kaming napatingin ni Dad sa pinto na bumukas. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Jiyeon unnie na may dala-dalang malaking rilakkuma and basket of fruits.

"Unnie! You came!" masigla kong sabi. "Aw, ang cute naman nitong rilakkuma! Unnie, thank you po!" pagpapasalamat ko. Binaba ko muna sa tabi ko yung rilakkuma tapos saka ko niyakap si Jiyeon unnie.

"You're welcome, Michi. Basta para sayo, baby girl." Napahagikgik ako nang guluhin niya ang buhok ko. 

"Good afternoon, Mr. Gamboa." 

"Good afternoon, Jiyeon. Salamat sa pagpunta dito. I know you are busy," sabi ni Dad.

"Hindi naman po ako busy. Ayos lang po," nakangiting sagot ni Jiyeon unnie. 

I can't help but to smile, parang imposible 'to no? Nasa tabi ko lang ang girl idol ko and she is talking with my dad. She also bought a big rilakkuma for me at ngayon pinagbabalat pa niya ako ng apple. Hay, fangirl goals na 'to talaga!

"Kamusta na kayo ni Myungsoo? Close na ba kayo?"

Napatigil ako sa pakikipaglaro kay rilakkuma nang biglang ubuhin ng sunod-sunod si Jiyeon unnie. 

"Unnie? Okay ka lang? Gusto mo ng tubig?" I asked her.

Umiling-iling siya. "No need, Michi. Nasamid lang talaga ako."

"Hmm.. okay po." Then I get back from playing with my rilakkuma.

"Balita ko mataas ang naging ratings ng mga naunang episodes ng We Got Married. It seems like netizens liked your chemistry as virtual couple." My dad said. Of course naman, dad! MyungYeon kaya 'yan! sabi ko sa sarili ko.

"We will give our best more for the next episodes, Mr. Gamboa. Ayaw po namin kayong madisappoint."

"Good. But, mukhang nagkakailangan pa kayong dalawa ni Myungsoo. You two should go out and have a date para naman mas makilala niyo ang isa't isa at mas maging close pa kayo."

"I think we don't need that, Sir. Magkasama naman na po kami sa iisang bahay."

"No, I'll ask the producer of We Got Married to set a date where you two can hang out with each other and it will also be aired for sure makakatulong din 'yon para tumaas pa lalo ang ratings."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now