TGR#55

434 23 7
                                    


Jiyeon's POV


Hindi ba ko nagkakamali ng dinig? 

Ano 'tong mga pictures na 'to?

Anong ibig sabihin nito?

Hindi totoo 'to, diba?


"Can you explain those pictures, Jiyeon?" our CEO coldly said. 


Hindi ko maialis yung tingin ko sa mga pictures na nasa harapan ko. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko. I know, I'm on the verge of crying. I bit my lower lip at tumingala ako para hindi magtuloy ang pagtulo ng mga luha ko. 


"Are you dating Infinite's L?" 


I gulped before looking at our CEO's eyes. 


It's over. 


"Yes, sir, I'm dating Kim Myungsoo." Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas para sabihin 'yon. 


Isa lang ang alam ko, wala na kong magagawa.


"Mabuti at sinabi mo ang totoo. Sa totoo lang, hindi naman ako galit, Jiyeon."


Kumunot ang noo ko. "P-po?" 


He smiled. "I don't care about your relationship with Infinite's L. We can use it to raise your popularity again. This is a very good chance to bring you back on the top."


Nakatingin lang ako sakanya. Parang hindi ko pa napproseso ang lahat. 


"May conference na magaganap ang The Blue of My Heart sa isang araw, hindi ba, Sehun?" 


"Meron nga po, Sir." Narinig kong sagot ni manager.


"Good. That's the right time to announce your relationship with Infinite's L." 


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng CEO namin. Kitang kita ang matagumpay na ngiti sa labi niya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Inuutusan ba niya kong sabihin sa media na may relasyon kami ni Myungsoo?


"What's wrong, Jiyeon? Hindi ka ba sang-ayon sa plano ko?"


I closed my fist na nasa ibabaw ng hita ko. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. 


What should I do? Should I agree? On the first place, maganda naman 'tong plano ng CEO namin. Hindi na kami mahihirapan ni Myungsoo magtago tungkol sa relasyon namin. Eto naman ang gusto naming dalawa, diba? Gusto naming malaman ng lahat na nagmamahalan kami. 


Kung hindi lang tutol si Mama... everything will be perfect.


Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.


"Jiyeon, okay ka lang?" napatingin ako kay manager Sehun nang hawakan niya ko sa may balikat ko. "Bakit ka umiiyak?"

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon