TGR#54

479 23 4
                                    

A/n: Sorry ngayon lang nakapag-ud. Huhu. I hope y'all will like this chapter! Thank you :) COMMENTS will be highly appreciated. 

I love watching MyungYeon FMVs so here, I'll be happy to share with y'all this one of my favorite FMVs created by our co-myungyeon shippers. <3 

#myungyeon #myungsoo #jiyeon

-

Jiyeon's POV


"Oppa, hindi na ko sasabay sa kotse. Magpapasundo na lang ako kay manager." 


Tumigil sa ginagawa niya si Hyojoon oppa at tumingin sakin. "Sa manager mo ba talaga?" saka siya ngumiti ng nakakaloko. 


Kilalang kilala talaga niya ko. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.


"Please?" pinagdikit ko yung dalawang palad ko at nagpacute ako sakanya. 


He sighed. "Oo na. Basta mag-iingat ka lang. Patay ka pag nahuli ka ni Mama."


Nakangiti akong tumango. Kinuha ko yung iPhone ko at nagtype ako ng message para kay Myungsoo.


Let's meet, Myung. May bibigay ako sayo.


Nakangiti lang ako habang hinihintay kong magsend yung text tapos sinulyapan ko din yung hawak-hawak kong paper bag. Sana magustuhan niya 'tong pasalubong ko. 


Nang makarating na kami sa airport, humiwalay na ko kila Mama. Hindi ko napansin na nakasunod pala sakin si LJoe. Nang magtama yung tingin namin bigla akong nakaramdam ng pagkailang. 


Ugh. Bakit ako umiwas? Baka isipin pa nito apektado pa din ako. Hello! Dalawang araw na ang lumipas since nangyari 'yun. Pero kasi, simula nun di ko na naman pinansin si LJoe. Ewan ko ba. 


"Susunduin ka ng manager niyo?" 


Hindi ko naman pinahalatang nagulat ako. "Yep. Iniintay ko lang siya. Ikaw ba?"


"Sila Niel ang susundo sakin. Do you mind if I ask you something?"


I do. I really mind. Kaya please, wag mo na ko kausapin, sabi ko sa isip ko. 


"It's about the ki--"


"Ahhhh! Si Manager!" kinawayan ko si manager pagkastop ng van niya sa harapan ko. "Mauuna na ko, Lee Byunghun ah. Bye!" atsaka ako nagmadaling pumasok. 


Pagkaupo ko sa loob ng van, pakiramdam ko nakahinga na ko ulit. Saktong sakto ang dating ni manager. Buti na lang!


"Okay ka lang, Jiyeon? Bakit parang namumutla ka?" 


"Ha?" dalawang beses akong kumurap habang nakatingin kay manager na nakatingin sakin sa may salamin at nakakunot ang noo. "W-wala. Haha. Okay lang po ako."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon