TGR#60

503 27 20
                                    




(presenting the top visual of kpop credits to the owner)

Jiyeon's POV


"What's with your get up?"


Nginitian ko lang si Noori at tumayo na rin ako. "Buti nakapunta ka."


"Maaga naman kami natapos magpractice kaya eto masasamahan kita. Anong meron at naisipan mong mag-club? Bakit di mo kasama sila Hyomin noona?"


Naglalakad na kaming dalawa papasok sa may club. Mukhang madalas dito si Noori dahil hindi na kami hinarang nung bantay sa labas kahit na ang weird ng suot ko. Naka-black jacket with hood kasi ako saka shades saka maong shorts at sneakers.


"Lagi ka bang nandito?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob. "Parang kilala ka na nung mga nasa labas e."


"Sakto lang. Syempre kailangan mag-unwind every week nakakapagod kaya magpractice araw-araw."


"Yep, I can relate."


Umupo kami sa may bar counter at umorder si Noori habang ako naman ang likot-likot ng mga mata at parang may hinahanap. Alam kong napapansin 'yon ni Noori, I'm sure he will ask me about it later.


"Juice mo oh."


"Thanks. Just put it there," sabi ko habang nakatingin lang sa may dance floor. Ramdam ko yung pagtitig sakin ni Noori kaya humarap ako sakanya "Saka mo na lang ako tanungin ha? Don't worry about me, dito lang ako. Sige na, you should have fun, Noori."


"Hindi kita iiwan dito baka kung ano—" I stopped him by putting the index of my finger on his lips.


"I can protect myself. Trust me."


Wala na siyang nagawa kundi umoo na lang kaya napangiti ako.


"Osige. Dito ka lang. Pag may nambastos sayo don't hesitate to call me."


"Alright. I'll do that if that happens."


"Just stay here, Jiyeon."


"Oo na, Noori. Shoo!" tinulak ko na siya paalis.


Nakahinga na ko ng maluwag nang hindi ko na natanaw si Noori. Ibig sabihin, pwede na kong magsimula sa talagang pinunta ko dito.


Uminom lang ako ng kaunti sa juice na inorder ni Noori para sakin at naglakad na rin ako. Some are looking at me weirdly, maybe because of what I'm wearing at kung bakit nakashades pa ko. Wala na lang sana basagan ng trip.


"I can't believe it! He kissed me on the cheeks! Kyaaaaaaaaaa! Dream come true 'to, beh!"


"Oo nga e. Halos kalahating oras kang nakatulala kanina tapos parang wala ka sa sarili mo. Puro oo ka lang sa sinasabi ni L."


"Ehhhhhh! Kasi naman masyado akong nashock!!!!"


Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Hinanap ko kung saan galing yung boses nung nag-uusap, nakita ko na may nakaupo na dalawang babae dito sa may sofa sa may bandang gilid. I'm just standing here at pinapakinggan ko yung usapan nung dalawa.


"Hindi din ako makapaniwala na siya yun. Kasi girl, ibang iba yung dating niya. Hindi naman ganun yung L na kilala ng lahat, diba? Although he is mysterious may pagka-sweet side naman siya. Parang ibang tao siya ngayon."


"Duh, ano ka ba! Wala ng kaso 'yon! Basta, ang gwapo pa din ni L oppa!!!!"


"Kailan ba siya naging pangit para sayo?"


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now